Biglang naging bulag, pipi at bingi ang isang napakaangas na male personality. Kung gaano siya kaingay nu’n sa social media, kung gaano siya kabangis nu’n sa pagpansin sa mga pulitikong ayaw niya, ngayon ay biglang nanahimik ang kanyang mundo.
Pinagpipistahan siya hanggang ngayon ng mundong kinabibilangan niya, walang nakaisip na mauuwi pala siya sa isang kadiri-diring sitwasyon napakalayo kasi nu’n sa dating asta niya.
Kuwento ng isang taga-music world, “Napakahirap kausapin ng taong ‘yun! Kasi, ang feeling niya, e, sobra-sobra ang katalinuhan niya. Sa lahat ng aspect, marami siyang tanong.
“Sa sequence guide pa lang ng show kapag marami silang kasamang magpe-perform, e, marami na siyang negative comments. Iniisa-isa niya ang mga artista, bakit daw kailangang sa bandang huli si ganito, ano na raw ba ang napatunayan niya?
“Bakit daw isinali sa show si ganu’n, samantalang first and last single lang naman ng taong ‘yun ang sumikat? Wala na raw kasunod ‘yun, kaya bakit isinama sa show?
“At naku, nakakaawa ang mga female performers kung mapintasan niya! Marami siyang komentong hindi kayang tanggapin ng mga singers na pinatutungkulan niya!
“Kung makapamintas siya, e, parang super-perfect siya! Maangas talaga ang taong ‘yun, nagpapanggap siyang akala mo kung sino, ang pakiramdam niya talaga, e, siya na ang pinakamatalinong singer sa buong mundo!” simulang kuwento ng aming source.
Hindi niya suportado ang mga baguhang singers. Sangdamakmak na nga ang kanilang parangal pero parang insekurida pa rin siya sa mga singers na nagsusulputan.
Patuloy ng aming impormante, “Para siyang bitter. Di ba, ang mga taong ganu’n, e, walang nakikitang positive sa kapwa niya? Kapag may singer na sumikat ang kanta, may comment na agad siya!
“Sana raw ay masundan man lang ng singer na ‘yun ang narating ng grupo niya. Ikumpara ba ang career nila sa mga bagito pa lang na nangangarap?
“Ngayon siya magsalita, ngayon siya magmaasim, ngayon siya mamintas ng mga kapwa niya singers! Ngayon ba niya gagawin ‘yun, e, ginagawa siyang malaking katatawanan ngayon?
“Ipakita ba ang sandata niyang napakaliit, kulay ube pa, saan siya huhugot ng pagmamaangas ngayon? Nakakahiya siya! Ang kayabangan niya mismo ang nagpahamak sa kanya!” inis na pagtatapos ng aming source.
Ubos!
Kahit bulag na, April Boy may bagong kontrata sa Star Music
Nabuhayan ng loob ang Jukebox King na si April “Boy” Regino nang papirmahin siya ng isang taong kontrata ng Star Music sa tulong ng magaling na composer na si Vehnee Saturno.
Mula nang mabulag siya ay parang tinapos na rin niya ang kanyang singing career. Nawalan na siya ng gana. Kinapos na siya ng tiwala sa kanyang sarili. Pero ang musikero ay magiging musikero habambuhay.
Saksi kami sa matinding sakripisyong pinagdaanan niya nang lumabo-mabulag ang magkabila niyang mata. Kapag may nagpaparetrato sa kanya ay agad niyang itatanong, “Nasaan ka ba, nasa kaliwa o kanan ko?”
Kapag kumakain na siya ay sasabihin agad ng butihin niyang misis na si Madel, “Mahal, nasa kanan ang menudo, nasa kaliwa ng plato mo ang gulay.”
Hanggang sa itim nang plato ang ginagamit ni April Boy, itim at puti lang kasi ang mga kulay na nababanaagan niya, lahat ng kinakainan niya dapat ay kulay itim lang.
Sabi ni April Boy habang napapaluha, “Ganu’n po pala ‘yun. Sa isang iglap lang, kayang bawiin sa atin ng Panginoon. Masuwerte pa nga po ako dahil hindi niya kinuha ang boses ko.
“Saka binigyan ako ng Diyos ng misis na talagang hindi nang-iiwan sa akin, si Madel ang naging mata ko sa lahat ng panahon. Siya ang nagpapaligo sa akin, ang nagbibihis sa akin, napakabuti po ng asawa ko,” papuri ng magaling na singer kay Madel.
Naririnig na ngayon ang pinakahuling piyesa ni ABR, ang Hanggang Sa Wakas na komposisyon ni Vehnee Saturno, iniaalay niya ang nasabing piyesa sa kanyang misis na si Madel at sa mga kababayan nating hindi pa rin kumukupas ang pagsuporta sa kanya.
“Wala po pala tayong puwedeng angkinin sa buhay na ito. Lahat, sa Panginoon nanggagaling at Siya lang ang may karapatang magbigay at bumawi sa atin,” panghuling sinserong komento ng Jukebox King.