Siyensiya kaya nang gawin lahat basta may pera
Iza gagastusan ng malaki ang magiging anak
Balita na ayaw muna ni Iza Calzado na mabuntis sa ngayon kaya ipina-freeze niya ang kanyang ‘eggs’ na gagamitin na lang sa oras na ready na siya na maging mother.
Bongga dahil sa panahon ngayon, puwede nang mamili ang mga babae kung kailan nila gusto na mabuntis, kung sino ang gusto nila na maging tatay o nanay ng sanggol dahil may surrogate mother na.
Ang science ngayon ang patunay na anuman ang gustuhin ng mga tao, puwedeng-puwede pero kailangan pa rin ng pera dahil malaking halaga ang gagastusin.
Kitang-kita how money works sa mayayaman na may sakit dahil napo-prolong ang buhay nila sa tulong ng mga gamot na napakamahal ng mga presyo at ng mga A lister na doctor.
Basta can afford ang tao, magagawa niya na magkaroon ng walong anak na may Russian blood tulad ng mga anak ni Joel Cruz ng Aficionado.
Magkakaroon din sila ng mga anak gaya ni Scarlet, ang anak nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho, Jr. at Pepe and Pilar, ang kambal na anak nina Korina Sanchez at Mar Roxas.
Mapalad si Iza dahil magkakaroon din siya ng ganoong experience bilang can afford sila ng kanyang British husband na si Ben Wintle.
Melanie napagkamalan ding tomboy noon
Nagsalita na si Michelle Dee tungkol sa tsismis na may relasyon sila ng kanyang fellow Kapuso star na si Mikee Quintos.
Pinabulaanan daw ni Michelle sa presscon ng Love You Two na may relasyon sila ni Mikee na hindi pa natatanong tungkol sa malicious issue.
Sinabi ni Michelle na kaibigan nito si Mikee at nagsimula ang kanilang friendship noong magkaklase pa sila.
Nalulungkot si Michelle dahil nabibigyan ng malisya ang pagiging magkaibigan nila ni Mikee.
Nagtataka rin siya dahil binibigyan ng ibang kahulugan ang friendship nila ni Mikee.
Tahasan raw na itinanggi ni Michelle ang balita na tomboy sila at posibleng napagkakamalan siya na girl din ang gusto dahil boyish ang kanyang mga kilos.
Si Michelle ang bunsong anak ni Melanie Marquez at ng ex-husband nito na si Derek Dee.
Walang dapat ika-worry si Michelle sa tsismis na tomboy siya dahil noong araw, napagbintangan din na tomboy ang nanay niya.
Lahat naman halos ng mga artista, babae man o lalake, napaghihinalaan na tibo at bading.
Mas marami nga lang ang mga aktor na napagdududahan na baklita kesa mga aktres na questionable ang sexual preference.
Marami rin ang aktor na confirmed na pumapatol sa mga bading para gumanda ang takbo ng kanilang showbiz career pero bihira ang umaamin.
Anyway, mapapanood nga si Michelle sa Love You Two at sa mga ayaw maniwala sa kanyang denial, panoorin n’yo simula sa April 22 ang bagong primetime teleserye ng Kapuso Network. Bantayan at tutukan ninyo ang mga kilos ni Michelle para ma-prove n’yo na totoo ang sinabi niya na girl siya, hindi pa-girl para mabura na ang tsismis tungkol sa kanya.
- Latest