Janella apektado sa pagbitaw ni Liza sa Darna
Isa rin si Janella Salvador sa mga nalungkot sa naging desisyon ni Liza Soberano na pag-atras para sa pelikulang Darna. Ayon kay Janella ay hindi pa sila muling nagkikita ng kaibigan mula nang pumutok ang balita. “Unfortunately not yet. I want to see her but she’s really busy din. I really feel for her. I know how much hard work she has put in for this role. And seeing her breakdown on TV, it really hit me,” paglalahad ni Janella.
Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gustung-gustong yakapin ng dalaga si Liza kapag nagkita sila. “I just really want to be there for her now. I would hug her and everything,” giit ng aktres.
Napagkwentuhan daw noon ng magkaibigan kung paano ang mga ginawang preparasyon ni Liza para gampanan ang karakter bilang Darna. “We don’t see each other often but when we see each other she would always tell me how she’s preparing for the role. And I would see how excited she was for it. I was so excited for her,” kwento pa ni Janella.
Zsa Zsa ayaw sa magarbong kasal
Matutuloy na ngayong taon ang pagpapakasal nina Zsa Zsa Padilla at ang architect na si Conrad Onglao. Pinagpaplanuhan na raw ng magkasintahan sa ngayon ang pinakaaabangang pag-iisang dibdib na magaganap sa bansa. “I really want it simple eh. Si Conrad ‘yung gustong may party. Siya ‘yung may gusto abroad, I don’t like,” pagbabahagi ni Zsa Zsa.
Hanggang maaari ay isang simpleng selebrasyon lamang ang gustong mangyari ng Divine Diva. Kahit maraming kaibigang singers ay hindi raw nangangahulugang marami rin ang makakakanta sa kasal nina Zsa Zsa at Conrad. “Walang mga gano’n. Hindi, walang mga ganyan. Ako ‘yung may gusto no’n. I really want it sobrang simple. Pinaplano pa naman,” giit ng singer.
Wala rin sa plano ni Zsa Zsa na magsuot ng magarbong wedding gown sa mismong araw ng kasal. “I just want to wear a dress. Maybe sa party magga-gown. But I want to wear a dress lang for the ceremony. I want a very simple, a very simple Monique Lhuillier. Actually, dream ko mag-Monique Lhuillier pero sabi ko I’m practical eh. I like Filipino designers, ang dami nating magagaling,” nakangiting pahayag ni Zsa Zsa.
Nahihirapan umano ang magkasintahan ngayon kung paano lilimatahan ang mga imbitadong kapamilya at mga kaibigan sa kanilang nalalapit na kasalan. “Hindi ko pa alam. Sabi ko nga, ang daming magtatampo,” natatawang pagtatapos niya. (Reports from JCC)
- Latest