Nakakatawa ang comment ng fans sa mga still photo nina Alden Richards and Kathryn Bernardo na kumalat kahapon habang nagso-shooting sila sa Hong Kong ng first movie nila together na Hello, Love, Goodbye.
Base kasi sa photos na kumalat, OFW sa HK si Kathryn na parang gusgusin ang hitsura at parang pagod na pagod habang may bitbit na mga gulay sa nasabing litrato.
Si Alden naman ay parang medyo may pagka-bad boy pero cute.
Sabi ng isang comment “bakit kasi nagpunta ka pa diyan. Napakaayos ng buhay mo dito sa Pilipinas. Ayan tuloy naging ganyan ka. Tawagan mo na agad si Daniel (Padilla) para sunduin ka.”
May isa pang nag-comment kung bakit sa HK sila nag-shooting eh China ‘yun na kung saan may issue nga naman ang bansa sa diumano’y pang-aangkin ng nasabing bansa sa ilang bahagi ng bayan natin.
Anyway, ang importante ay maingay ang nasabing pelikula na wala pang definite playdate.