^

PSN Showbiz

Kataklesahan at kawalan ng damdamin ng kilalang babae, wala pa ring nakakakabog!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kung iipunin ang mga anekdota tungkol sa isang kilalang female personality ay nobela ang magagawa ng sinumang magsusulat nu’n. Sangkaterba kasi ‘yun.

Hanggang ngayon, kahit hindi na siya masyadong aktibo sa pelikula at telebisyon ay siya pa rin ang paboritong gawing pulutan sa mga umpukang-showbiz, bumibida pa rin siya.

Kuwento ng isang source, “Naku, mayaman sa anecdotes ang babaeng ‘yun! Hanggang langit kasi ang kaartehan niya, ibang klase rin ang attitude niya, nag-iisa lang talaga siya!

“Nu’ng minsang may nakita siyang staff ng show niya sa elevator, e, hindi talaga siya tumigil hanggang hindi niya nakikita ang etiketa ng t-shirt na suot nu’ng tao!

“Ang dami-dami pa naman nilang magkakasama sa elevator, halos magkapalitan na nga sila ng mukha sa sikip nu’ng lugar, pero talagang kinulit niya ang kanyang staff!

“Sabi niya, ‘Your t-shirt is not original, it’s class A lang.’ Ang sabi naman ng kausap niya, ‘Okey lang po, regalo lang naman sa akin ito, ina-appreciate ko kasi ang mga ibinibigay sa akin, kaya isinusuot ko kahit pa hindi naman original.’

“Hindi pa siya nagkasya sa sinabi ng staff niya, binusisi pa niya ang etiketa ng t-shirt, siya mismo ang nagbaligtad sa t-shirt sa bandang leeg ng may suot.

“Ang sumunod niyang sabi, ‘See? The shirt is really fake! Ang laki-laki ng buwaya! Ang original, small lang ang crocodile!’ Naloka sa kanya ang mga kasabay nila sa elevator, ang akala raw kasi nila, e, kuwento-kuwento lang ang tungkol sa kataklesahan ng female personality, pero totoong-totoo pala!

“Ganu’n siya, talagang napapahiya ang mga taong pinakikialaman niya ang brand ng suot na damit, wala siyang pakialam kung masaktan man ang pinapansin niya!” isang kuwento pa lang ng aming impormante.

Namigay siya ng mga mamahaling brand ng stuff niya sa mga production people. Nu’ng nasalubong niya ang isang nakakuha ng mamahalin niyang sapatos, talagang ipinagsigawan pa niya sa corridor ang kanyang komento, ‘It’s not bagay sa iyo ang shoes ko! Pangit ang mga toes mo!’

“May iba pa ba? Siya lang ang ganu’n! Siya ang mayhawak ng korona bilang pinakataklesang personality sa balat ng Pinoy showbiz!

“Walang kahit sinong makakakabog sa kanya dahil nag-iisa lang siyang walang pakialam sa damdamin ng kapwa niya!” pagtatapos ng napapailing naming source.

Ubos!

Cogie mahal pa rin ng camera 

Maraming-maraming salamat kay Tito Noel Ferrer na pagkahaba-haba ng pisi ng pang-una­wa at pasensiya para kay Cogie Domingo. Hindi ito sumusuko, talagang ikinukuha nito ng proyekto ang guwapong aktor, kailangang pahalagahan ni Cogie ang mga ginagawang effort ng manager para magkatrabaho siya.

Kung husay sa pag-arte ang sesentruhan ay walang kuwestiyon ang kapasidad ni Cogie. Kung kaguwapuhan naman ang magiging barometro ay bulag na lang ang magsasabing hindi makisig ang aktor.

Pero hindi sa ganu’ng paglalarawan lang nagsisimula at nagtatapos ang karera ng isang personalidad, napakahalaga ng kanyang attitude sa trabaho, hindi ba siya nagiging problema ng produksiyon?

Markado na nu’n pa si Cogie Domingo sa pagiging late palagi sa pagre-report sa trabaho. Marami nang nagpapayo sa kanya na umalis nang dalawang oras na mas maaga sa kanilang bahay para hindi siya nale-late, pero nahuhuli pa rin siya.

Harinawang sa paggabay ni Tito Noel ay magpakitang-gilas na si Cogie, hindi lahat ay makaiintindi sa kanyang attitude, dalawa-singko ang mga artista ngayon na nangangailangan ng trabaho.

Napapanood ngayon ang magaling na aktor sa FPJ’s Ang Probinsyano. Mahal talaga siya ng mga camera, nakaaarte nang mahusay, propesyona­lismo na lang talaga ang kailangan niyang paigtingin para magtagal siya sa serye.

Kung ugali ang pag-uusapan ay isa si Cogie Domingo sa mga artistang umangat ang pangalan na walang ipinagbago. Mabait talaga siya, natural ang kanyang kabaitan, hindi siya kailanman maisasama sa listahan ng mga artistang plastic.

COGIE DOMINGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with