MANILA, Philippines — Lalong iinit ang labanan sa taunang selebrasyon ng Aliwan Fiesta, sa paglahok ng 24 naggagandahang dilag sa timpalak ng Reyna ng Aliwan, na gaganapin sa April 27 & 28.
Inilahad na ng Manila Broadcasting Company ang listahan ng mga kalahok sa taong ito, na suportado muli ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas at mga lungsod ng Maynila at Pasay.
Mula sa Luzon sina Kimberly Naz ng Antipolo Maytime festival; Erginia Vera Bautista para sa Banatu festival ng Cabanatuan City; Lyka Veleña para sa Boling-Boling festival ng Catanauan, Quezon; Gezza Avila para sa Niyogyugan festival ng Quezon Province; Roi Neve Comanda para sa Panagbenga festival ng Baguio; Cinderella Salilican para sa Pangisdaan festival ng Navotas; Jhan Nicole Ambata para sa Paru-Paro festival ng Dasmariñas, Cavite; Aubrhie Cindyrelle Carpio para sa Singkaban festival ng Bulacan; Kizia Jermaine Maligalig para sa Tagultol Fishing festival ng Atimonan, Quezon; at Leandrea Gabrielle Batingan para sa Tanglawan festival ng San Jose del Monte, Bulacan.
Hindi magpapaawat ang mga Bisaya, Ilonggo, at Waray. Kasali sina Nicole Borromeo para sa Sinulog festival ng Cebu; Milca Romares para sa Salapan festival ng Pulupandan, Negros Occidental; Cassandra Marie Lee para sa Sangyaw festival ng Tacloban City; Angelic Olmedo para sa Pintados de Passi festival ng Passi City, Iloilo; Charlotte Arcena para sa Pasaka festival ng Tanauan, Leyte; Ruffa Nava para sa Hirinugyaw Suguidadonay festival ng Calinog, Iloilo; at si Debrah Belen Villaflores para sa Buglasan festival ng Dumaguete, Negros Oriental.
May delegasyon din ng kariktan ang Mindanao, na pangangatawanan nina Alayzza Izzabelle Tolimao para sa Agten Tufi festival ng Tupi, South Cotabato; Ma. Kristina Ramos para sa Cocowayan festival ng Isabela, Basilan; Honey Be Parreñas para sa Kalimudan festival ng Sultan Kudarat; Angelin Summer Fernandez para sa Kalivungan festival ng North Cotabato; Frenzie Dione Escalada para sa Muna To festival ng Sarangani; Merhyl Kit Angeline Paraluman para sa Tuna festival ng General Santos City; at si Princess Serdenia para sa Zamboanga Hermosa festival.
Ang magwawagi bilang Festival Queen ng Aliwan Fiesta 2019 ay mag-uuwi ng isandaang libong piso (P100,000) at tropeo, bukod sa pagiging ambassadress of goodwill ng turismo.
Gaganapin ang pageant night sa ika-26 ng Abril sa harap ng Aliw Theater sa CCP Complex, samantalang ang coronation night ay susunod sa Grand Parade ng ika-27 ng Abril.