Lani Mercado aliw na aliw sa labong!

Lani

Nagkatuwaan sa birthday ni Lani Mercado-Revilla sa Strike Gymnasium sa Bacoor City noong Lunes.

Tuwang-tuwa si Lani sa LaBong, ang tawag ni Jerry Olea sa team nila ng kanyang asawa na si Bong Revilla.

Talagang teary-eyed si Lani dahil nakalaya na si Bong kaya magiging meaningful ang 51st birthday celebration niya sa April 13.

Matutupad na ang Holy Week tradition ng kanilang pamilya na sama-sama sa Boracay na matagal din na natigil dahil sa mahigit sa apat na taon na pagkakakulong ni Bong sa Camp Crame.

Makikita kina Bong at Lani ang tuwa dahil magkasama sila sa kaarawan ng Ina ng Bacoor City.

Now I see why their relationship lasted this long, kasi nga ang people chemistry nila is like a glue, binding them together kahit ano pa ang bagyo na dumating.

Basta Lani, ikaw ang legal wife, huwag mo bibitawan ang korona na ‘yan.

Sana matupad…

Kung hindi pediatrician, maging veterinary doctor ang gusto ko sa second life dahil mataas ang emotional intelligence nila.

Kapag umiiyak ang isang bata na may-sakit, hindi natin alam kung ano ang masakit sa kanya, ang nararamdaman niya o ang parte ng kanilang katawan na masakit.

‘Yung mga hayop, bigla na lang nakikita natin na matamlay. Hindi natin alam kung bakit at kung minsan bigla na lang namamatay.

Parang magician ang mga pediatrician at ang veterinary doctor dahil nalalaman nila ang sakit ng mga bata at pet animals natin kahit hindi sila nagsasalita o itinuturo kung ano masakit sa kanila.Amazing talaga.

Kung naging veterinary doctor ako, nalaman ko sana ang nararamdaman ni Tiny, ang pet dog ko na ikinabigla ko ang sudden death.

Nang mamatay si Tiny, na-realize ko how exciting na maging pediatrician at veterinary doctor kaya sa second life ko, pipilitin ko na matupad ang dream na ‘yan.

Nam Joo Hyuk mas guwapo 

Sa takot ko na mapuyat dahil may Take It... Per Minute! kahapon, huminto muna ako sa panonood ng Light In Your Eyes ni Nam Joo Hyuk na habang pinanonood ko, hinayang na hinayang ako dahil dalawang beses na siya na nagpunta sa Pilipinas para sa meet-and-greet niya pero hindi ko pinansin.

Na-realize ko ngayon na mas guwapo siya kesa kay Lee Jun-Ho at mahusay rin siya na umarte tulad ni Jo In-sung.

Sana, isa ako sa mga fan na “nang-chancing” kay Nam Joo Hyuk sa meet-and-greet niya noon sa Mall of Asia Arena.

Halos maiyak siya sa mga kurot at yakap sa kanya ng fans na hindi nakapigil sa gigil. Naisip ko lang na kung naging isa ako sa fans na ‘yon, siguradong nadaig ko sina Rose at Vinia na halos mag­lupasay nang makita si Lee Seung-Gi.

Grabe in love na naman ako. Divorce ko na si Jo In-sung dahil si Nam Joo Hyuk na ang bagong  husband ko.

Humanda sina Elena at Sandara Park dahil kukulitin ko sila na dapat makita ko si Nam Joo Hyuk sa pagpunta namin ni Aileen Go sa Korea.

After all, sabay na nagkaroon noon ng meet- and- greet sa Maynila sina Sandara at Nam Joo Hyuk. Buti na lang, may Take It... Per Minute! kung hindi, puyat na naman.

Show comments