TV5 Anchor na namatay, kinumpisal ang depression!
Sa kabila nang sinasabi nilang kaabalahan ng lahat sa kasalukuyan, marami pa rin talaga ang nakakaranas ng depression.
Ang depression ang naging dahilan ng pagkawala ng broadsheet columnist and TV5 anchor na si Joseph “Seph” Holandes Ubalde na natagpuang walang buhay noong April 1 sa isang sosyal na hotel sa BGC.
In a nutshell, inamin niya ito sa isang video feed kung saan nga niya ikinuwento ang naranasan niyang depression na pilit sana niyang nilalabanan pero ‘tinalo’ dahil sa kulang na suporta.
Napanood ko ang ilang bahagi ng ‘depression video’ niya at kinukuwento nga niyang bata pa lang, nakakaranas na siya ng ganung problema. Grade 6 pa lang siya takot na raw siyang mawala ang lola niya.
Physically abused din pala siya ng kanyang ama at ginawa siyang punching bag noong elementary siya. Nagkaroon din siya ng struggling sa gender.
Sinabi rin niyang kung may depression, ituring itong sakit tulad ng ibang karamdaman.
Oo nga’t masayahin siya pag nasa labas pero pag nag-iisa na siya doon niya lahat nararamdaman ang mental health problem.
Wala rin siyang nalapitang tao / kaibigan o kamag-anak na sa tuwing sasabihin niya ang kanyang nararamdaman ay sinasabi lang ng mga ito na ‘may pinagdaraanan’ siya.
Kaya naman ini-encourage niya na pag-aralang maigi ang mental health problem / issues.
Nakakalungkot ang kuwento niya na walang nagbigay ng importansiya sa ‘pinagdaanan’ niya. Nang minsang may sabihan pa siyang gusto niyang mag-suicide ay nagalit pa ito.
Sana rin daw ay meron siyang partner na nakasama niya sa kanyang naranasan at nakaintindi sa kanya. Though nabanggit niya na kakatapos lang niya sa isang relasyon.
Meron din daw sanang mental health facility na puwedeng puntahan ang mga nakakaranas ng depression tulad niya na noong magpa-check daw siya sa isang hospital ay sa janitor’s room siya dinala.
Sinabi pa niyang hindi siya in control ng kanyang emotion.
Nakaka-bother ang nasabing video at talagang nakakalungkot.
Sinasabi niyang sa mga nakakaranas ng depression na ‘fight’ and ‘see you again on the other side.’
Maraming artista ang sinasabing nakakaranas ng depression at tiyak maraming nakaka-relate sa kanya.
- Latest