Naurong pala sa May 1 ang showing ng pelikulang Maledicto, ang kauna-unahang local film project ng Fox Network Group with Cignal Entertainment starring Tom Rodriguez, Jasmine Smith-Curtis, Miles Ocampo and Inah de Belen.
Ang ABS-CBN kasi ang magre-release ng movie at napag-usapan na kapapalabas pa lang ng Eerie nina Ms. Charo Santos and Bea Alonzo. Feeling ng Senior Vice President and General Manager ng FOX Networks Group Philippines, Jude Turcuato, mas naging favor sa kanila dahil Labor Day at baka mas maraming manood ng movie na isang horror sa May 1.
Gaganap dito si Tom na Father Xavi, a former psychologist na naging skeptical exorcist pagkatapos ng tragic death of her sister na ginampanan ni Inah. Hanggang makilala niya ang isang madre (Jasmine) na may kakaibang karisma. Nagsanib-puwersa sila para sa estudyanteng si Agnes (Miles) na isang perfect teenager pero nagsisimulang magpakita ng demonic behaviour at gugulo sa paniniwala ng simbahan.
Sa trailer pa lang, nakakakilabot na ang pelikula. “Maledicto is a really big feat for FNG, being the first ever film we’ve produced locally, with an all-Filipino cast. With Maledicto under our belt, we’re hoping to elevate Filipino cinema to one of a Hollywood pedigree,” sabi ni Mr. Turcuato.
Ayon pa kay Mr. Turcuato, marami silang pinagpiliang script at ito nga ang pumasa sa kanilang panlasa.
Pero kahit creepy ang subject ng pelikula, paulit-ulit na binabanggit nina Tom, Jasmine, Inah and Miles na ang gaan ng naging trabaho nila dahil super cool si Direk Mark Meily sa mini-presscon for the movie yesterday morning.