Derek overload pa rin ang hunkiness!

Derek

So kilig that Derek Ramsay is already a certified Kapuso dahil pumirma na siya ng kontrata sa GMA Network Inc. noong Huwebes.

Isa rin si Derek sa mga artista na love ko dahil eversince, sweet siya at friend din namin ang ma­nager niya na si Jojie Dingcong.

Kahit saan ko makita si Derek, hindi nawawala ang kanyang marespeto na pagbati, kahit saan ko siya mapanood, galing na galing ako sa acting niya at para sa akin, unbeatable ang commercial nila nina Dingdong Dantes at Piolo Pascual para sa isang donut product dahil wow, overload ang kanilang hunkiness.

Sure ako na magiging maganda ang kumbinasyon nina Derek at Andrea Torres sa GMA te­leserye na kanilang pagsasamahan, ang The Better Woman dahil pareho sila na loaded with sex appeal. Love you, Derek. Nice decision.

Vilma maganda lahat ang alaala sa ina

So sad sa pagkamatay ni Mama Milagros Santos, ang loving mother ni Congresswoman Vilma Santos-Recto.

Kung malapit ka kay Vilma, alam mo how she treasure her mom. Dalawang beses ko sila na nakasama sa abroad, sa filming ng Pinay, American Style sa New York noong 1979 at sa Amsterdam nang mag-shooting dito ang Miss X noong 1980.

Nakita ko kung paano alagaan ni Mama Santos si Vilma at kung paano igalang ni Vi ang mama niya.

Lucky si Vilma dahil matagal niya na nakasama si Mama Santos.

Nakita at nasubaybayan naman ni Mommy Santos ang naging tagumpay ng kanyang anak, from being a star to a popular and successful politician.

Nakita rin ni Mama Santos kung paano nakabangon si Vilma sa mga pagsubok sa private life nito, naging masaya sa piling ni Senator Ralph Recto at lahat nang ito, magandang alaala para sa isang ina na iiwan ang anak na alam niya na okey na ang buhay at ang katayuan.

We will pray for the soul of Mama Santos, we will pray for Vilma dahil alam namin na kahit na okey na siya, ang mawalan ng ina ang isa sa pinakamasakit dalhin sa puso. Our deepest sympathy, Ate Vi.

‘Don’t waste the present...’

Don’t waste the present, regretting the past and worrying about the future ang mga tumatak sa isip ko nang mapanood ko ang teleserye ni Nam Jo-Hyuk na Light In Your Eyes.

Very true siya sa panahon ngayon na ang bilis-bilis ng buhay. Para bang nagmamadali ang panahon, kasisimula pa lang ng 2019, tapos na ang Chinese New Year, darating na ang Pasko ng Pagkabuhay tapos Araw ng mga Patay at Pasko na naman.

Without you noticing it, natatapos ang bawat taon, at kung sa bawat taon isusulat mo ang mga  nagawa mo at hindi mo nagawa, parang lagi mong gagawin dahil nga sa mabilis na takbo ng araw.

So why always think of the past and worry about tomorrow?

Just enjoy your day, just do what you have to do, live your day beautifully with full of laughter and happiness.

You owe it to yourself, be happy first, before you spread happiness. Live by the day, enjoy it, and don’t be sad over nothing or anyone. God is good, always.

Show comments