SEEN: Ang mga impormasyon na nakararating kay Harlene Bautista tungkol sa estranged husband nito na si Romnick Sarmenta noong nagsasama pa sila ang isa sa mga dahilan kaya nasabi niya na tama ang kanyang desisyon na makapaghiwalay.
SCENE: Si Harlene ang pumili kay Snooky Serna bilang bida ng In the Name of the Mother. Kinakapatid ni Harlene si Snooky dahil ninong niya sa binyag ang ama ng aktres na si Von Serna. Si Harlene ang producer ng pelikula na pinagbibidahan ni Snooky at siya ang nagkuwento na ‘Beb’ ang naging palayaw niya dahil ito ang term of endearment sa kanya ng Ninong Von niya.
SEEN: Welcome back at hindi basta welcome ang pagbati kay Derek Ramsay ng mga Kapuso dahil nag-umpisa ang kanyang showbiz career bilang co-host ng Eat Bulaga noong 2001.
SCENE: Hindi nangyari ang hiling ni Gary Valenciano na huwag i-post sa social media ang surprise number niya para sa mga manonood ng kanyang US concert. Inilabas ng ilang miyembro ng entertainment press ang video ng performance ni Gary sa media conference noong Miyerkules ng He’s Back: Gary V US Tour.
SEEN: Kasama ang kanyang mga special guest na sina Katrina Velarde at Jona, halos tatlong linggo na mawawala sa Pilipinas si Gary Valenciano dahil magsisimula sa April 12 ang kanyang US concert tour at matatapos ito sa April 28, 2019.
SCENE: Ang Araneta Center sa Cubao, Quezon City ang pinakabago na tourism district sa Metro Manila sa bisa ng City Ordinance 2796-2018 na nilagdaaan ni Quezon City Mayor Herbert Bautista. Ang Smart Araneta Coliseum ang isa sa pinaka-popular establishment sa Araneta Center.
SEEN: May mga nagsasabi na malabo na matupad ang plano na pagsamahin sa isang pelikula sina Nora Aunor, Tirso Cruz III at Christopher de Leon na dream project ng direktor na si Joel Lamangan dahil posibleng magkaroon ng conflict sa schedule ng tatlong artista.
SCENE: Isa si Edu Manzano sa mga unang nagparating ng pakikiramay kay Star for All Seasons at House Representative Vilma Santos-Recto at sa kanilang anak na si Luis Manzano dahil sa pagpanaw ni Mrs. Milagros Santos noong April 1.