Kasama ang namayapang actor na si Bernardo Bernardo sa pinarangalan ng 34 Gawad USTETIKA Taunang Parangal Pampanitikan (Parangal Hagbong 2019) na ginanap sa UST Campus.
Hindi pa nalilimutan ng showbiz ang isang masayahin, mapagmahal at magaling na actor at manunulat na si tito Bernie.
Tumatak ang pangalan niya nang gumanap siya bilang kontrabida sa sitcom ni tito Dolphy na Home Along da Riles.
Naging Best Supporting Actor din siya sa Gawad Urian noong 1981 para sa pelikulang Manila by Night ng batikang director na si Ismael Bernal.
Marami pa siyang natanggap na papuri hindi lang sa pagiging actor kundi sa pagiging manunulat na rin.
Last March 8, 2018 nang pumanaw si tito Bernie sa edad na 73 matapos ang matagal-tagal na pakikipaglaban sa sakit na pancreatic tumor.
Hindi makakalimutan nina Sir Nestor Cuartero at kafatid na Noel Ferrer ang husay sa pakikisama ng isang Bernardo Bernardo.
Ayon kay Sir Nestor, nagawa nito na pagsamahin ang katatawanan at kaalaman ng simpleng buhay.
Ikinuwento naman ni Noel, na naging manager ng batikang actor, tumatak ang husay nitong makisama sa loob at labas ng showbiz.
Kasamang tumanggap ng pagkilala sa namapayang actor ang pamangkin niyang si ate Dulce Inoturan, Kuya Dante Inoturan at Susan Santos.