^

PSN Showbiz

‘Wala nang nagbabantay sa aking pagtulog’

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
‘Wala nang nagbabantay sa aking pagtulog’

Sa rami nang doggies ko Mama Salve, apat ang talagang very very close sa akin. Hindi ba sabi ko sa iyo, may ugali rin ang mga dog dahil ‘yung iba, may pagka-social, may mailap at may physical as in ayaw na hinahawakan sila.

Si Pokpok ang unang dog na minahal ko at bigay siya sa akin ni Caridad Sanchez noong panahon ng  Manila Film Festival scam para hindi raw ako masyadong ma-sad.

Mabait na Shih Tzu si Pokpok pero hindi nito type na hinahawakan siya. Basta nakapuwesto lang siya sa may paanan ko kapag natutulog kami.

Then, binigyan ako ng another Shih Tzu ng mag-inang Elvie at Charlene Gonzales na Chica ang pangalan.

Mabait si Chica pero selosa. Binu-bully niya ang ibang dogs na lumalapit sa akin pero lagi siyang nasa tabi ko. Ayaw lang ni Chica na mahiga sa kama kapag natutulog kami, gusto niya na nasa ibaba lang siya.

Nabuntis at nanganak si Chica mula sa isa kong dog na pug kaya mixed pug at Shih Tsu ang kanyang lahi.

Puggie ang pangalan niya at siya lang ang pinapayagan ni Chica na lumapit at kargahin ko. Kasama ko si Puggie sa pagtulog sa kama at nakapuwesto siya sa may ulunan ko.

Then dumating si Tiny, isang Chihuahua na bigay rin sa akin nina Elvie at Charlene. Nakasilid si Tiny sa isang maliit na paper bag nang dalhin sa akin kaya mapagkakamalan siya na tinapay.

Love at first sight kami ni Tiny. Smart siya dahil nang nakita niya na maraming dogs sa bahay ko, nasa isang sulok lang si Tiny para hindi ito mapansin at maging biktima ng bullying.

Kapag nasa kama si Tiny, nakasiksik siya sa unan para hindi siya mapansin ni Chica at para malayo siya kay Puggie.

Nang lumaki na si Tiny, medyo nakikipaglaro na siya sa ibang dogs pero kapag nag-umpisa nang maging wild ang doggies, nagtatago na siya agad.

Nang mamatay si Chica na sinundan ni Puggie, biglang nagkaroon si Tiny ng feeling na ito na ang bossing dahil siya na ang katabi ko sa kama.

Naging maingay si Tiny at puno ng confidence. Lagi siyang nagpapakarga at nasa lap ko kapag nanonood ako ng TV o iPad.

Very touchy si Tiny, siya lang ang dog ko na gustung-gusto na niyayakap siya at natutulog sa dibdib ko.

Ang isa pa na napansin ko, ang ibang dogs na nasa room ko, kapag bumaba na para kumain sa umaga, naiiwan si Tiny.

Hindi siya bumababa kapag hindi niya nakita na dumilat ako o gumalaw. Para bang gusto niya matiyak na gigising ako. Hindi siya nagkakasakit, para lang umuubo siya na may bara sa lalamunan at gustong gusto niya na hinihimas ko ang kanyang dibdib.

Dinidilaan ni Tiny ang kamay ko at nagpapakarga. Nang kargahin ko siya at ilagay sa lap ko dahil nanonood ako ng Last Empress sa iPad, hu­minga siya nang malalim at lumaylay ang ulo.

Wala na si Tiny. Iniwan na ako ni Tiny. Hindi na niya ako mababantayan kapag natutulog ako at hihintayin na magising. Wala nang nakasiksik sa arms ko para nakayakap na matulog. I cannot get my sleep that night. I can see and smell Tiny in my room.

LOLIT SOLIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with