Twink Macaraig kahanga-hanga ang tapang sa pagharap sa cancer

Twink

Gusto kong iparating sa broadcast journalist na si Twink Macaraig ang labis na paghanga ko sa kanya.

The first time na nabasa ko ang article niya about being a cancer victim, gusto kong umiyak dahil sa ipinapakita niya na tapang.

Ang takot niya na maiwan ang kanyang nag-iisang anak na lalaki at the young age of 15. Ang laging takot ng isang ina, ang maiwan ang kanyang anak at isipin na sino pa ang mag-aalaga dito. Ano na ang mangyayari paglaki niya?

Ang tapang na ipinakita ni Twink na harapin ang sitwasyon niya, ang kanyang isinulat na last will and testament, ang mga bilin niya, ang pagtitiis sa masakit na pinagdaraanan sa tuwing pumupunta siya sa ospital for treatment.

Ewan ko ba, ano nga kaya ang mas mabuti, ang alam mo kung kailan ka mamamatay o ‘yung bigla na lang dead ka na?

Well, true na kahit paano masarap din na naayos mo ang lahat bago ka kunin ni Lord, ang magawa mo pa ang mga bagay na dapat gawin, makapagsisi ka kung nagkasala ka pero torture din na alam mo na any moment, puwede kang mawala?

Pero si God ang may bigay ng buhay natin, siya rin ang may karapatan kung paano Niya tayo kukunin, so dapat tanggapin lang natin.

But how I wish, gaya ni Twink, maging katulad niya tayo na matapang sa pagharap sa itinakda para sa atin, maging malawak din ang isipan natin sa pagtanggap at maluwag ang puso natin sa lahat nang nangyayari.

I salute you Twink. My prayers for you and your family.

Marami ang humanga kay Twink dahil sa article na isinulat niya tungkol sa kanyang karamdaman na lumabas sa lifestyle section ng Philippine Star noong March 24, 2019.

Hindi mabura sa kanilang isip ang sinabi ni Twink na “I’ve long made peace with my demise. My last will and testament — handwritten amidst many tears — is in the safe. I could Give Up. Succumb. Surrender. But I won’t.

“While the very heart of me — that chamber that stores my conscience and conviction, love and dreams, memory and self-respect — remains unbreached, I will fight.”

Former Mayor ng Pandi  marami ang natulungan  sa showbiz!

Masaya ako Salve, dahil nakita ko na angat sa mga survey ang pangalan ni Enrico Roque na muling kumakandidato na mayor ng Pandi, Bulacan.

Isa sa mga pinakamabait na tao na nakilala natin si Mayor Enrico na kahit wala naman hinihingi na kapalit sa mga kabutihan na nagawa niya ay nakahanda na tumulong, never na nag-back out sa salita at pangako niya.

Malaking tulong din si Mayor Enrico sa movie industry dahil sa movie company na itinayo nila ng kanyang mga business partner, ang Cineko Productions.

Marami ang mga artista at movie workers na natulungan si Mayor Enrique mula nang i-produce nila ang Mang Kepweng Returns na nasundan pa ng ibang mga movie project, ang The Significant Other, Harry & Patty, Fallback, Bes and The Beshies at marami pang iba.

Kung sakali na pipili ako ng isang probinsya na lilipatan, ang Pandi ang pipiliin ko dahil kay Mayor Enrico na kilalang ama ng Amana Water Park na pinupuntahan every summer ng buong pamilya ni Mel. Sana nga mabalik sa dati ang Pandi, very progressive, very safe at maraming oportunidad sa negosyo. Go go Mayor Enrico Roque, fight, fight!

Show comments