^

PSN Showbiz

Mga kasamahan sa trabaho ng beteranong aktor na si Augusto Victa, nakalimot!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Mga kasamahan sa trabaho ng beteranong  aktor na si Augusto Victa, nakalimot!
Burol ni Augusto

Hindi naitago ng mga anak ng yumaong radio icon-turned TV and movie dramatic actor na si Augusto Victa ang kanilang tampo at sama ng loob sa mga naging kasahaman o nakatrabaho ng yumaong actor nung ito’y nabubuhay pa dahil hindi man lamang daw nakaalaala at nagparam­dam sa kanilang ama sa huling pagkakataon.

Ang kanyang siyam na anak ay pare-parehong naka-base sa Amerika at Australia. Nung malakas pa siya ay ilang beses nitong napasyalan ang kanyang mga anak at mga apo sa ibang bansa pero ayaw nitong manatili roon at mas gusto lamang nitong mamalagi sa Pilipinas.

Taun-taon ay halinhinan ang magkakapatid na dinadalaw ang kanilang ama at regular silang magkaka-chat bago ito binawian ng buhay.

Ang mga anak at ilang kaanak ni Augusto ay nagsidatingan ng Pilipinas nung nakaraang Huwebes at Biyernes para sa cremation nito nung nakaraang Sabado, March 23 ng umaga sa Loyola Memorial Chapels and Crematorium in Sucat, Parañaque.

Maliban sa pangulo ng KBP (Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas) at MBC (Manila Broadcasting Company) na si Jun Nicdao at ang aktres na si Irene Celebre, walang ibang mga taga-industriya sa radio, telebisyon at pelikula ang nagpunta o nagpadala man lamang ng bulaklak (liban sa bulaklak galing sa negosyanteng si Fred Elizalde at misis nitong si Liza Macuja-Elizalde) o mass cards man lamang.

Bukod sa halos anim na dekadang kontribusyon at ginugol nito sa radio at halos dalawang dekada sa telebisyon at maging sa pelikula, walang nagparamdam sa mga ito maging mula mga taga ABS-CBN, GMA-7, TAPE, Inc., RPN-9 at iba pa.

Ganunpaman, nagpasalamat ang mga anak ni Augusto na nakaalaala at dumalo sa “Celebration of Life” para sa kanilang namayapang ama nung nakaraang linggo.

Ang mga abo ni Augusto ay ilalagak sa kanyang hometown sa Kawit, Cavite on March 29, 2019 at pagkatapos nito ay isa-isa nang magsisibalikan sa ibang bansa ang kanyang mga anak sa unang linggo ng Abril.

Gary napunta na sa Cainta

Kandidato pala sa pagka-vice mayor ng Cainta ang actor-politician na si Gary Estrada (Ejercito). Marami-rami rin ang mga celebrities na tiga-Cainta at kasama na rito ang pamilya ng magkapatid na Toni at Alex Gonzaga ganundin ang pamilya ng magkapatid na John at Camille Prats.

Sa pagkakaalam ko, taga-Cainta rin sina Angel Aquino, Alicia Alonzo maging ang mag-asawang Gladys Reyes at Christopher Roxas at iba pa.

Since tiga-Cainta rin kami, wala pang paramdam sa amin ang mister ni Bernadette Allyson sa kanyang kandidatura sa aming lugar.

AUGUSTO VICTA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with