Jessy na-bash na naman dahil sa post ng ‘paglipat’
Nag-post lang si Jessy Mendiola ng pintuang nakabukas at nilagyan ng caption na “Old endings and new beginnings. About doors opening for opportunities and finding your path #chos,” na-bash na ang aktres.
Inisip kasi ng mga nakabasa na tungkol sa nabalitang pag-alis ni Jessy sa ABS-CBN at tsismis na paglipat sa GMA-7 ang kanyang tweet, kaya siya na-bash.
Ang layo nang napuntahan ng cryptic post na ‘yun at katakut-takot na bashing ang ipinukol kay Jessy. Paano pala at hindi naman sa paglipat sa ibang network ang post niya at patungkol sa ibang bagay eh, na-bash na siya. Bawiin kaya ng bashers ang masasakit na salitang sinabi nila kay Jessy?
On the other hand, may tsismis na noon ng isang aktres na lilipat sa GMA-7 at kahit walang binanggit na pangalan ang nagsulat, si Jessy agad ang naisip nila.
Dahil daw yun sa walang bagong project sa ABS-CBN si Jessy. Ang mga pelikula naman niya, hindi sa Star Cinema niya ginagawa.
Ang maganda kay Jessy, hindi na sinasagot ang pamba-bash sa kanya. Nabanggit nitong sanay na siya, pero minsan, sumasagot din sya sa bashers. Itinatama ang mga maling balita sa kanya.
Halimbawang lilipat nga sa GMA Network si Jessy, baka per project lang ang pipirmahang kontrata. Pero, baka naman hindi pumayag ang network ng short contract. Kaya ang mabuti, maghintay na lang tayo sa update.
Maine at Arjo tawanan nang tawanan pag magkasama
Nakita na namang magkasama sina Maine Mendoza at Arjo Atayde sa Homecoming Activity ng alma mater ni Maine na College of St. Benilde. Sa La Salle nag-aral si Arjo na may-ari ng St. Benilde kaya hindi siya nag-gatecrash sa nasabing school event.
Kaya mali ang nag-comment na sumunod lang si Arjo kay Maine dahil produkto siya ng La Salle. Mali rin ang sinasabing mukhang bored at hindi masaya si Maine na kasama si Arjo dahil sa napanood naming video, masaya silang nagtatawanan ni Arjo.
Malabo rin ang sinasabing edited ang picture dahil kasama sa picture si Ken Chan na nag-aral din sa College of Saint Benilde.
Masusundan pa ang pagsasama nina Maine at Arjo, mas makakabuti kung tatanggapin ng AlDub fans na sa ngayon, sina Maine at Arjo ang real.
Anyway, may nabasa kaming may AlDub fans na nagrereklamo sa Eat Bulaga dahil hindi pinagbigyan ang request nilang pagsamahin sa Lenten Special ng EB sina Maine at Alden Richards.
Sa Group 1 napasama si Maine kasama sina Sen. Tito Sotto, Paolo Ballesteros, Anjo Yllana at Ruby Rodriguez.
Sa Group 3 naman napasama si Alden kasama sina Joey de Leon, Pia Guanio, Ryan Agoncillo, Baste at Wally Bayola.
Max hasang-hasa ang pagiging nanay kahit wala pang anak
Nakalagay sa DP ni Max Collins sa Instagram ang Mrs. Magno kaya hindi maikakailang may asawa na siya. Wala lang ang pangalan ng asawang si Pancho Magno, pero sapat na ang Mrs. Magno para malaman ang status niya sa buhay.
May asawa rin ang role ni Max sa bagong Afternoon Prime ng GMA-7 na Bihag kaya makaka-relate si Max.
Ang kaibahan lang, may anak siya rito, may anak sila ng asawang si Brylle (Jason Abalos) na tiyak magagampanan ng buong husay ni Max ang karakter ni Jessie na nawalan ng anak dahil kinidnap.
Ang description sa karakter ni Jessie ay ina na gagawin ang lahat para mabawi ang anak.
- Latest