Maganda ang ginagawa ng kompanya ni Papa Tony Tuviera na bonding time para sa lahat ng mga nagtatrabaho sa APT Entertainment at Triple A.
Ang sama-sama na bakasyon ang immersion nila sa mga bagay na kakaiba sa mga nakikita sa Pilipinas.
Ang kahit isang linggo lang na malayo sa hustle and bustleng showbiz at sila -sila lang ang magkakasama na parang ordinary na barkada ang magic kaya tumatagal ng maraming taon ang mga programa nila.
Ngayong 2019, forty years na ang Eat Bulaga sa telebisyon kaya ang mga empleyado nila, more than 40 years nang kasama ng mga Tuviera.
Parang isa na silang pamilya, isang grupo na hindi na trabaho ang tingin sa ginagawa nila. Fun vacation ng pamilya. Now nasa Holy Land sila at nag-e-enjoy. Saludo ako kay Papa Tony Tuviera bilang boss. Bongga talaga.
Fans na nagrereklamo sa selfie with Alden sa simbahan, kinaiinisan!
Kaloka naman ang isang fan na nag-emote dahil hindi siya nagkaroon ng selfie photo na kasama si Alden Richards habang nasa loob sila ng simbahan sa Holy Land.
Walang karapatan na mag-emote ang faney laban kay Alden. Dapat na maintindihan niya na nasa loob sila ng simbahan at naka-focus ang atensyon ni Alden sa pagdarasal at pagsisimba.
Dapat ipaintindi sa fans na kailangan din ng mga artista ng private time, lalo na kung nasa loob ng simbahan.
Hangga’t puwede, pinagbibigyan ni Alden ang lahat ng mga nagre-request ng photo op na kasama niya pero depende sa lugar at sitwasyon. Kung nasa loob siya ng simbahan at seryoso sa pagdarasal, awkward naman kung may fan na biglang hihingi sa kanya ng selfie photo.
Imbes na marami ang makisimpatiya sa nagreklamo na fan, kinainisan pa siya dahil hindi tama ang pagkaimbyerna niya kay Alden na isa sa mga artista na pinakamabait at accommodating sa fans.
Piolo nagpo-promote ng online education
Si Piolo Pascual pala ang endorser ng AMA para sa kanilang online education. Tuwang-tuwa si Ferdie Sia ng AMA dahil matagal na nilang gustong maging endorser si Piolo.
Nakakatuwa naman dahil isa ang AMA sa pinaka-matatag na foundation ng education dito sa ating bayan.
At nakakatuwa rin na puwede nang mag-aral on line para makatapos ng kurso. Ang daming graduate ng AMA na tagumpay na ngayon sa kanilang mga pinili na field.
Aside from school, ang AMA rin ang nagpapatakbo ng Bagoong Club dahil dito matatagpuan ang mga native na pagkain na lutong bahay ang lasa. Go tayo sa Bagoong Club kapag ipinakilala na si Piolo bilang bagong celebrity ambassador ng AMA.
Korean stars sa hotel puwedeng ka-selfie
Naku Salve, meron na akong tip na ibibigay kay Lynette. Kapag may Korean star na ang fan meeting ay sa New Frontier Theatre o Smart Araneta Coliseum ang venue, dapat mag-check in siya sa Novotel the night before.
Kung summer na dahil sa init ng panahon, type ng mga Korean star na mag-swimming tulad nang ginawa ni So Ji-sub nang magkaroon siya ng fan meet sa New Frontier noong Sabado.
After ng fan meeting, usually sa coffee shop o sa function room ng Novotel nagpupunta ang mga Korean star para kumain.
Kung guest ka ng hotel, libre ka na maglakad-lakad sa paligid ng hotel at malaki ang chance na makita, makipag-selfie sa mga Korean celebrity.