Nakatutuwa na ako ay bahagi sa pagdiriwang ng Pilipino Star NGAYON ng ika-33 anibersaryo. Nagtagal ang PSN dahil hindi binibitawan ng mga mambabasa, dahil meron itong manunulat na alam kung ano ang tama at kung ano ang kaaya-aya para sa mga mambabasa.
Importante ang pagkakakilala na iyan. Kilala ng mga mambabasa ang diaryo at kilala ng diaryo kung sino ang mga mambabasa. Pwede naman talagang magkaroon ng kombinasyon na disente ka, ‘Diyaryong Disente ng Masang Intelihente.’ Lahat ito ay pwedeng mangyari. Disente ang binabasa ng isang intelligent audience, even a tabloid format. Isang malaking patunay diyan ay ang Pilipino Star NGAYON.
Tabloids do not begin and end with sensationalism. Mahalaga pa rin ‘yung hindi nananakit sa kapwa. Mahalaga pa rin ‘yung hindi nag-iimbento para lamang maisulong ang agenda ng isa in this public fear at the expense of another.
Sa aking palagay ay ito ang pinakamalaking achievement ng Pilipino Star NGAYON. Generally, the Star family, to be able to give the balance of being decent, because by doing so, it fosters an intelligent audience.
Hindi kataka-taka na ang Pilipino Star NGAYON ay madalas na kilalanin o binibigyang-parangal sa mga eskwelahan, sa mga surveys, sa iba’t ibang award-giving bodies. Ito’y nangunguna, it’s recognition of what it is as a newspaper. May paggalang, maganda ang kombinasyon na iginagalang ang Pilipino Star NGAYON pero hindi siya boring. Paggalang na may fun, nakakatuwa, may entertainment. May mga elemento rin na it doesn’t take itself too seriously kaya madali siyang yakapin ng masang Pilipino.
Ang isa pa ay hindi lamang ‘yung physical copy ng Pilipino Star NGAYON as it celebrates its 33rd anniversary, pero ito’y lumawak na rin. Kasi nandoon na rin tayo sa digital space. Ibig sabihin ay mas accessible na ito sa mas nakararaming tao.
Nais lamang nating magpasalamat sa lahat ng mga tumatangkilik at patuloy na sumusuporta. Patuloy rin naming gagawin ang aming makakaya para mapanatili na ito ay maging number 1, mapanatili na ito ay accessible at higit sa lahat ay patuloy na gumalang sa mga mambabasa dahil sa pagiging disente nito.
Maraming salamat at mabuhay ang Pilipino Star NGAYON.