Malaking eskandalo ngayon sa Korea ang pagkakasangkot ng dalawang K-pop stars sa sex scandal and prostitution.
Yup, parang dito lang sa atin. Pero mas mabigat ang accusations dahil diumano sa prostitution para sa sariling business ng K-pop star na member ng grupong Big Bang na si Seungri na may 9 million followers sa Instagram.
Ayon pa sa mga report, si Lee Seung-hyun, na kilalang si Seungri ng Big Bang ang sinasabing Great Gatsby ng South Korea dahil sa kanyang bonggang lifestyle na sinabi pang sangkot sa ‘sexual bribery.’
Bukod sa kanya, sangkot din sa eskandalo ang isa pang singer na si Jung Joon-young na sinasabi namang kasabwat diumano sa mga nagkalat na video na kuha niya habang nakikipag-sex sa iba’t ibang babae.
Pareho rin silang member ng online chat groups kung saan napapanood at ina-upload diumano ang mga sekretong sex scandal sa Korea na ginagawang katatawanan ang pagdo-droga at pangre-rape ayon sa kumalat na balita sa South Korea na sabog agad sa internet dahil nga sa rami ng fans nila.
Si Seungri ay nagpahayag na sa kanyang Instagram na magre-retire na siya at saka nag-sorry.
Ang singer namang si Jung ay nagpakita ng pagsisisi sa kanyang ginawa sabay deny sa ibinibintang sa kanya.
Actually kung tutuusin hindi na bago sa atin ang ganitong eskandalo.
Parang mas malala pa nga rito sa atin.
Ang kaibahan lang, mabilis nalilimutan ng fans dito. After ilang months lang, parang wala nang nangyari at back to normal na ang lahat.
‘Yun ngang sinasabing mga local celebrity na nasa listahan diumano ng mga nagdo-droga, taon na ang nakaraan wala pang lumalabas.
At Teka, parang wala akong naalalang nasangkot sa kahit anong eskandalo dito sa atin ang nag-retire.