Ion Perez matatakan sa pag-amin kay Vice Ganda!

Ion

Bongga naman ang balita na aamin na sa TV si Ion Perez, ang Kuya Escort ng It’s Showtime tungkol sa relasyon nila ni Vice Ganda.

Imagine, isang lalaki na aaminin na ang relasyon sa isang gay on nationwide television? Hindi naman siguro aamin si Ion dahil mataas ang rating ng The Boobay and Tekla Show na gusto lang kabugin ni Vice Ganda o baka gusto lang nito na magselos ang basketball star na si Calvin Abueva?

Ay naku, hindi natin alam ang mga susunod na magaganap pero sana nga maging maganda ang pagtanggap sa pag-amin ni Ion Perez kasi for life nang matatandaan ng publiko ang kanyang ginawa dahil sa tuwing makikita siya, boyfriend ni Vice Ganda ang tatak niya for life.

Anyway, ang The Boobay and Tekla Show ang katapat na programa ng Gandang Gabi Vice.

Bongga ang ratings ng show nina Boobay at Tekla mula nang mag-umpisa ito kaya may mga nagmalisya na baka sinadya ang pag-amin ni Ion na may relasyon sila ni Vice para abangan ng televiewers ang episode ng Gandang Gabi Vice sa darating na Linggo.

Magagandang lahi...

Napansin ko na pogi ang third generation ng mga Estrada-Ejercito, nandiyan ang magkapatid na Jake at Jacob na mga anak ni Papa Joseph Estrada sa former actress na si Laarni Enriquez, guwapo ang mga anak nina Jinggoy at Precy Estrada na sina Jolo at Julian na parehong sinubukan na mag-artista pero hindi ipinagpatuloy ang kanilang mga showbiz career.

Pogi rin si Emilio, ang anak ni Senator JV Ejercito at ng kanyang ex-girlfriend, ang former model at beauty queen na si Patty Betita.

Lahat sila, puwedeng mga matinee idol dahil mga guwapo sila at magaganda ang kanilang mga height.

Kapag pumasok sina Jake at Emilio sa showbiz, tiyak na magkakaroon sila ng maraming fans.

Sina Jolo at Julian, pumasok sa showbiz for a while pero sandali lang dahil priority ni Jinggoy Estrada na makatapos sila ng pag-aaral.

Nahihilig si Emilio sa modeling pero sure ako na mas gusto rin ni JV na matapos niya ang pag-aaral.

Mukhang may mga susunod agad sa mga footstep nina Jinggoy at JV kaya magpapatuloy ang legacy nila sa mundo ng pulitiko at public service.

Kawalan ng tubig nakaka-depress

Naloka ako sa problema sa water supply sa Metro Manila dahil maraming lugar ang walang tubig.

Matitiis ng mga Pilipino ang brown out dahil puwedeng gumamit ng kandila para magkaroon ng liwanag at kung walang electric fan o aircon, pamaypay lang ang sagot pero kung walang tubig,dusa sa hirap.

Ang balita ko, may school daw na wala munang pasok ang mga estudyante dahil sa sanitary problem.

Ang mga hospital, medyo ingat din sa pagtanggap ng mga pasyente dahil nga sa kawalan ng water supply.

My God, dapat talaga na mag-ingat at magti­pid tayo sa paggamit ng tubig dahil very precious ito sa buhay natin.

Nakakatakot na nga kapag mahina ang pressure ng tubig, eh di lalo na kapag ilang araw na mawala ang tubig?

Summer season pa naman sa Pilipinas. Kainitan ng panahon tapos walang water? So depressing! Nakaka-depress isipin ang magiging problema sa sanitation at personal hygiene dahil sa kawalan ng tubig.

Show comments