Ilang taon nang walang kasintahan si Yen Santos. Umaasa raw ang aktres na makikilala niya ang bagong lalaking magpapatibok muli sa kanyang puso na posible na rin niyang makatuluyan. “Yes, ang tagal na (single). Siguro talagang hinihintay ko na ang the one. ‘Yung taong, gusto ko kasi ‘pag nagkaroon ako ng boyfriend, siya na ‘yung makakasama ko talaga sa buhay. Siguro hindi pa binibigay ni God, pero siyempre kahit paano, kapag umuuwi ka, may taong kumakamusta sa ‘yo. Kasi wala akong family dito, ako lang,” nakangiting pahayag ni Yen.
Hinahanap-hanap na rin ng dalaga ang pagkakaroon ng nobyo dahil sa maraming mga bagay. “Nakaka-miss ‘yung palaging may ka-text ka. ‘Yung nagu-goodnight sa ‘yo, good morning, ‘yung may nagsasabi ng ‘I love you.’ Sasabihan ko din ng ‘I love you too’ di ba? So sana… (magka-boyfriend na),” pagdedetalye ng aktres.
Kahit walang nobyo ngayon ay sumasagi rin sa isipan ni Yen ang pagkakaroon na ng sariling pamilya. “Wala naman po talagang masama na maging mapili dahil ang tagal ko na nga po kasi naging single. So parang ako, ‘yung susunod na magiging boyfriend ko, kailangan piliin na talaga mabuti. Kasi siya na ‘yung gustong makasama ko habambuhay. Kasi 26 (years old) na ako. So parang ang mind set ko ‘pag nag-30 ako, mayroon na akong pamilya,” pagtatapat ni Yen.
Leila nagpaliwanag sa bashers
Noong isang linggo ay nakaranas si Leila Alcasid ng online bashing mula sa ilang mga tagahanga diumano ni Elisse Joson. May kinalaman ito sa twitter post ng anak nina Ogie Alcasid at Michelle Van Eimeren na tungkol sa pagiging chubby ng karakter ni Elisse sa Maalaala Mo Kaya episode kamakailan. “Naiintindihan ko naman ang mga concerns nila, na baka they thought na I was bashing Elisse or whatever, but that was not my intention talaga. I’ve explained it naman na. I don’t blame them, they just love their idol, and they just want to be protective of her. But sana next time, they try to understand muna where I’m coming from, before jumping to conclusions or worry that I mean any harm, when I never do naman,” paliwanag ni Leila.
Kinausap kaagad ng dalaga si Elisse dahil sa nangyari upang humingi ng paumanhin. “Actually I also talked to her mismo about the issue. Alam naman niyang I wasn’t mean anything bad and she said to me na, she knows that I meant no harm. So okay kami,” kwento ni Leila.
Pagkatapos ma-bash ng netizens ay agad namang sumagot at nagpaliwanag si Leila sa kanyang Twitter account. (Reports from JCC)