Mga kabaro ni Chokoleit chill chill na, takot matulad sa kanya

Doc Ong

Ang Pulmonary Edema na naging dahilan ng pagkamatay ng komedyanteng si Chokoleit ang topic ni Doc Willie Ong na isang sikat na cardiologist-internist sa kanyang FB video lecture kahapon.

May ilang kasing pa-hashtag kahapon na #ChokoleitCaseAwareness. Kaya maraming gustong malaman ang nasabing sakit.

Ayon kay Doc Ong, kasama raw sa mga sintomas at lunas nito ay ang mga sumusunod :

“1. Ang sintomas ng pulmonary edema ay hingal, madaling mahapo at pagmamanas. Parang nalulunod sila.

2. May tubig sa baga ang pasyente. Kadalasan dahil ito sa heart failure o mahina ang puso.

3. Umiwas sa maraming factors tulad ng stress, pagod, puyat at hindi masustansyang pagkain. Magpasuri sa cardiologist,” sabi ni Doc Willie tungkol sa nasabing sakit na dumapo kay Chokoleit at bumawi sa kanyang buhay. Kandidato nga pala sa pagka-senador si Doc Willier Ong.

Anyway, wala ngang naman masyadong nakaalam na may ganun palang pinagdaraanan si Chokoleit at marami na palang tubig ang kanyang baga pero  hindi mahilig magpa-check.

Matagal na rin daw itong hinahapo at binalewala lang. Sa Davao iki-cremate ang komed­yante.

FDCP may Film Lab na para sa Mindanao Filmmakers

Isang bagong development platform para sa mga kuwentong Mindanao ang inilunsad ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa pamamagitan ng Southern Voices Film Lab (SOVOLAB). Nakatuon ito upang tuklasin ang iba’t ibang natatanging mga kuwento’t pananaw mula sa Katimugan ng bansa at magbigay ng pagkakataong mas maiayos ang mga ito at maging full-fledged projects.

Ang SOVOLAB, isang intensive script and development lab para sa Mindanaoan filmmakers, ay bukas para sa lahat ng filmmakers mula sa Mindanao na nagde-develop ng kanilang una, pangalawa, at pangatlong feature films. Ang deadline of submission ay sa April 12, 2019.

Anim hanggang walong projects sa advanced stage of development ang pipiliin. Sa loob ng walong buwan, ang mapapabilang na filmmakers ay dadalo sa tatlong workshop sessions sa Mindanao. Sasailalim din sila sa mentoring ng international at local experts para mas mapaganda ang kanilang screenplays.

Ang unang session ay gaganapin sa Mayo, ang pangalawang session ay sa Setyembre, at ang pangatlo naman ay sa Nobyembre. Kasama sa sessions ang script consulting at talks ng industry experts.

Ang pang-apat at huling session ay ang SOVOLAB Pitch Showcase. Ito ang final pitch ng participants sa Jury at Decision Makers na gaga­napin sa Davao City sa Mindanao Film Festival sa Disyembre. Dalawang  projects ang tatanggap ng co-production grant na nagkakahalaga ng isang milyong piso.

Show comments