Kathryn at Alden movie, wala nang urungan
Wala nang urungan ang pelikulang pagsasamahan nina Alden Richards and Kathryn Bernardo.
Kahapon ay nag-story conference na sila with Direk Cathy Garcia-Molina under Star Cinema na mabilis kumalat sa social media at nag-trending pa.
More than a week nang kumakalat na gagawa nga sila ng pelikula na sa Hong Kong daw ang shooting.
Walang pelikula si Direk Cathy Garcia-Molina na hindi naging box office hit kaya masasabi ngang suwerte si Alden.
Ang movie rin nina Kathryn and Daniel Padilla ang kino-consider ngayong highest grossing Tagalog film.
Nauna nang gumawa ng movie si Maine Mendoza with Coco Martin last Metro Manila Film Festival, ang Jack Em Popoy. Recently lang din ay umamin na si Maine ng feelings niya sa Kapamilya actor na si Arjo Atayde.
Siyempre, umatake ang ibang bashers at kung anu-ano na namang isyu kay Alden. Pero with Kathryn, sure na box office na ‘yan. (SALVE V. ASIS)
- Latest