Nagparamdam agad kay Pokwang, Chokoleit sa Davao iki-cremate!

Pokwang

Si John “Sweet” Lapuz ang isa sa aligaga sa pag-asikaso sa burol ng close friend niyang si Chokoleit.

Siya ang humarap sa mga kaibigang media na pumunta sa unang gabi ng burol nito kama­kalawa ng gabi.

Nakiusap si Sweet na kung puwede huwag na lang daw sabihin kung saan ang burol dahil maliit lang ang chapel na pinaglagakan nito.

Dun pa lang nga sa unang gabi ay parang fan’s day na doon dahil sa rami ng mga ususero na gustong makita ang mga paboritong artista na pumunta sa burol.

Ang iba nga raw ay nakapasok na sa loob para magpalitrato sa mga artistang nagpuntahan. Nag­kagulo sila kina Vice Ganda, Pokwang at iba pang malalapit na kaibigan ni Chokoleit.

Inayos pa raw ni Mickey See ang make-up at si Bing Cristobal ang nag-asikaso ng isusuot ni Cho­koleit dahil siya naman daw noon pa ang nagpa­padamit sa komedyante kapag dumadalo ito sa mga event gaya ng ABS-CBN Ball.

Gusto naman daw niyang sa huling sandali ay siya pa rin ang magpapabihis kay Chokoleit.

Naiiyak si Pokwang nagkuwento sa mga reporter na kaagad nagparamdam na raw si Chokoleit sa kanya sa pamamagitan ng panaginip.

Sa Huwebes ang huling lamay kay Chokoleit at pinag-uusapan na raw ng mga kaibigan kung ano ang ihahanda nilang programa na eulogy para sa kanya.Kinabukasan ay ihahatid na ito sa Davao, at ipapa-cremate na raw ito.

Isa sa mga pumunta sa unang gabi ng burol ay si Ryza Cenon na kinukuwento sa mga reporter na first time lang daw niya nakilala si Chokoleit sa Abra na nakasabay niyang nag-perform doon.

Nagpakilala raw siya sa komedyante na hindi niya akalaing iyun na rin ang hu­ling pagkikita nila.

Hindi raw nila alam kung paano sila mag-perform at magpasaya sa mga taga-Abra dahil nung time raw na iyun ay nabalitaan na nilang pumanaw na si Chokoleit.

Mylene hindi pa napapatawad si John

Sa mediacon ng bagong drama series ng GMA Telebabad na Sahaya, nakiusap si Mylene Dizon na huwag nang itanong sa kanya ang tungkol sa isyu nila ni John Estrada.

Kaya nakabantay ang buong team ng Sahaya, para ma-screen ang mga nagtatanong dahil tungkol na lang sana sa programa ang pag-usapan.

Pero nakasingit pa rin ako ng tanong kay Mylene tungkol kay John na makakasama na nga niya sa Kapuso network.

Sabi nga ni John, mas okay na huwag sila magsama sa isang project at iyun nga rin ang sagot ni Mylene.

“I don’t think so,” mabilis na sagot ng aktres sa tanong ko kung posible kayang magsama sila ni John sa isang project ng GMA 7.

“Alam mo naman ako, I’m one project at a time. Hindi ko naman… hindi ko rin alam eh.

“Yung huli kong project na The Good Son, almost one year akong nagpahinga, mga eleven months,” sabi pa ni Mylene.

Pagkatapos daw nitong Sahaya, hindi pa raw niya alam kung may kasunod ba siya sa GMA 7, dahil gusto rin daw sana niyang tumutok sa kanyang mga anak.

“I don’t know, when to work again. Right now, inaasikaso ko yung mga anak ko, kasi yung panganay ko teenager na.

“So, biglang na-realize ko naging teenager siya na nagti-taping ako na nagti-taping.

“I don’t know what’s going to happen in the future, whatever is going to be offered or if ever I’m going to work again. I don’t know.

“Alam mo naman ako, I go where the work is,” dagdag na pahayag ni Mylene.

Tinanong ko pa rin siya na kung sakaling magkasalubong sila ni John Estrada sa GMA 7, ano kaya ang gagawin niya?

“I don’t know actually. I don’t know. I don’t know,” sagot niya na parang hindi pa niya alam kung ano ang susunod niyang safe na sagot.

Pero pinalagpas na ba ito ni Mylene? Pinatawad na nga kaya niya si John?

“Eh hehehe, next topic naman,” sabi na lang niya sa akin.

Sa Lunes, March 18 na magsisimula ang Sahaya, at muling ipinagkatiwala ng GMA 7 ang project na ito sa nagbabalik na loveteam nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix.

Show comments