Scarf nina Cris Roque at Heart Evangelista very timely!
Bonggang-bongga ngayon ang collaboration nina Cris Roque at Heart Evangelista para sa Kamiseta Apparel.
Mapupuri mo talaga si Cris Roque dahil naisip nito na magandang ilagay sa scarf ang mga design ni Heart bilang summer na at marami naman ang mahilig na magkaroon ng ibang look ang outfit nila sa pamamagitan ng paggamit ng mga scarf.
Ang iba’t-ibang pag-aayos ng scarf will give a new look to an outfit kaya naman timely talaga ang paglabas ng mga Kamiseta scarf. Bongga ang Kamiseta, bongga si Cris Roque.
Beautederm agressive!
Aggressive din ang business approach ni Rhea Tan ng Beautederm dahil dadalhin niya sa Singapore sina Tonton Gutierrez at Glydel Mercado para sa opening ng kanyang shop sa pinaka-business center ng bansa.
Bukod sa Singapore branch, inaayos na rin nina Sam at Rhea Tan ang Beautederm branches sa Dubai at Abu Dhabi.
Who knows, baka next na ang Europe branch ng kanilang fast-rising business. Bongga dahil ngayong summer, dalawang major stars ang balak na i-launch nina Sam at Rhea bilang endorsers ng Beautederm.
Hindi talaga titigil si Rhea hanggang maging number one product ang Beautederm sa linya ng pagpapaganda.
Nabigla nga ang lahat sa aggressive approach at marketing strategy ng Beautederm na maingay na maingay ngayon na kompanya.
Ang bait kasi ni Rhea, very sincere at very kind kaya hindi kataka-takang marami ang tumutulong para magtagumpay siya. Goodluck sa international expansion ng Beautederm!!!
Joy ayaw tigilan!
Ayaw tantanan si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ng detractors at mga kalaban niya sa pulitika na ginagawa ang lahat para mabawasan ang tiwala sa kanya na imposible na mangyari.
Maikukumpara sa isang puno si Vice Mayor Joy na mabunga kaya pinupukol nang todo ng mga tao na hindi matanggap ang katotohanan na siya ang susunod na mayor ng Quezon City.
Hindi ko na babanggitin ang name ng tabloid na tinutukoy ni Vice Mayor Joy dahil siya na rin ang nagsabi na never heard ang diyaryo. Hindi namin pinangarap na magamit para umingay at mapag-usapan ang never heard tabloid.
- Latest