Coleen nagagamit sa malaswang video na nagkalat

Coleen

Aware kaya si Coleen Garcia, misis ni Billy Crawford, na may kumakalat ng video scandal na idinidikit sa pangalan niya?

Actually, sa unang kita mo talaga sasabihin mong si Coleen pero pag pinanood mo na ng medyo matagal-tagal, ang magiging dialogue mo, kamukha lang niya.

Sa una ay sumasayaw-sayaw ang babaeng kamukha ni Coleen pero maya-maya ay magtatanggal siya ng suot na pang-loob at parang nag-e-enjoy sa ginagawang pagsasayaw na walang saplot habang may nagsasalita sa background na lalaki. Malaswa ang nasabing video na tumagal din ng ilang minute.

May suot na eye glasses at may tattoo rin ang nasabing girl sa video scandal na pag magmamalisya ka ay sasabihin mong si Coleen.

Ang nakita kong caption sa nasabing video, kuha diumano ‘yun sa nawalang cellphone ni Coleen nung wedding night nila ni Billy. Nawalan diumano kasi nun ng cellphone ang actress na misis ni Billy.

Pero pag pinanood mo nga ang video, masasabi mong kamukha lang naman ni Coleen.

Maraming beses na ring may nangyaring ganyan. Na sa unang tingin sasabihin mong kamukha ng isang artista pero pag nakita mo naman, kamukha lang pala.

Pero dapat pa ring ma­ging aware si Coleen tungkol dun kahit kamukha niya lang.

Show comments