^

PSN Showbiz

Noli De Castro.naka-tsinelas lang nung nag-umpisa

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Noli De Castro.naka-tsinelas lang  nung nag-umpisa
Noli at Kat

Congrats kay Kat De Castro dahil siya ang newly-appointed CEO at President ng IBC-13 na may soft spot sa puso ko dahil naging home network ko noon.

Sana nga, maibalik ni Kat ang lost glory ng IBC-13 na dating number one television station kaya talagang hindi nawawalan ng mga tao sa Broadcast City na tahanan din ng RPN-9.

Sa totoo lang, nagsimula ang “hosting career“ ko sa IBC-13 dahil dito napapanood ang See-True na palagi akong guest, ang variety show na Regal Family at aking mga sariling showbiz talk show, ang Scoop at ang Stars & Spies na si Macoy Symaco ang producer.

Marami akong fond memories sa IBC-13 kaya wish ko talaga na bumalik ang sigla sa Broadcast City na katabi ng Traders Royal Bank.

Matagal ako na kliyente ng Traders Royal Bank dahil dito ko idinedeposito ang mga talent fee ko mula sa mga programa ko sa IBC-13.

Nagkaroon ako ng emotional attachment sa Traders Royal Bank kaya nang mabili ito ng ibang bank company at pinalitan ng pangalan, nanatili pa rin ako na depositor kahit bihira na akong magawi sa Broadcast City na naging malungkot ang atmosphere mula nang ma-sequester ng gobyerno pagkatapos ng EDSA Revolution noong 1986.

Wish ko talaga na may milagro na magawa si Kat sa IBC-13 na malaki rin ang naging bahagi sa buhay ng kanyang tatay na si Noli “Kabayan” De Castro.

Si Noli Boy ang dating voice over sa See True, ang number one showbiz talk show noon ni Inday Badiday.

Sa tuwing magre-report si Noli Boy sa studio, naka-tsinelas lamang siya kaya walang nag-akala na darating ang araw na magiging senador at bise-presidente siya ng Pilipinas.

Naiba ang buhay sa anak

Naglagare ako noong Miyerkules sa presscon para kay Kat De Castro at sa grand presscon ng Maria, ang action movie ni Cristine Reyes na showing sa mga sinehan sa March 27, 2019.

Bongga si Cristine dahil mahihirap ang mga fight scene niya sa coming soon movie ng Viva Films pero never siya na nagkaroon ng major injury dahil mahusay ang kanyang fight instructor na si Sonny Sison.

Si Pedring Lopez ang direktor ng Maria at hangang-hanga siya sa professionalism ni Cristine habang ginagawa nila ang pelikula.

Kapag hindi raw satisfied si Cristine sa acting at fight scenes niya, siya mismo ang nagsasabi kay Pedring na ulitin nila ang eksena.

Sinabi naman ni Cristine sa presscon ng Maria na mula nang maging nanay siya, lalo niyang sineryoso ang kanyang propesyon.

Iba talaga ang nagagawa ng motherhood sa mga kababaihan. Sa kaso ni Cristine, naging inspirasyon niya ang anak na si Amarah.

Sa Maria, may anak na babae si Cristine kaya feel na feel nito ang karakter na ginampanan niya dahil sa tunay na buhay, loving mother siya. Gagawin ni Cristine ang lahat para kay Amarah kaya very effective siya sa dramatic scene nila ng child actress na gumanap na anak niya sa Maria.

CRISTINE REYES

KAT DE CASTRO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with