Kat de Castro tumutulong buhayin, IBC 13 for sale!

Kat

For sale pa rin ang IBC 13. In case na may interesadong bumili, ayon kay Ms. Kat de Castro, tawagan lang siya.

Si Ms. Kat ang President and CEO ng IBC 13 since October last year. Of course, anak siya nina former VP Noli de Castro and TV producer Arlene de Castro.

Board of Director ang unang appointment ni Ms. de Castro from Malacañang pero hindi nagtagal ay ginawa siyang President and CEO ng sequestered TV network.

Sakto ang pasok ni Ms. Kat dahil naglilipat sila noon mula sa old office in Broadcast City sa IBC compound in the same area in Capitol Hills, Quezon City.

May nakatayo nang condominium building sa malaking bahagi ng dating sikat na Broadcast City. “I’m glad to be part of the group that will oversee the privatization of IBC 13,” banggit ni Madam IBC President and CEO.

Kasalukuyan nang nagkakaroon ng due diligence para magkaroon ng smooth transition kung saka-sakali.

Pero habang wala pang bumibili, tututukan muna ni Ms. De Castro ang pagpapalakas ng signal nito para mapanood na rin ng mas marami.

Dating number 1 TV station ang IBC.

Ngayon ay gusto nilang buhayin ang nasabing network. Bukod sa mga bagong programa, magkakaroon na rin sila ng mga live streaming para maramdaman ang presence ng network maging sa digital medium.

Magkakaroon din sila ng re-airing ng ilang classic /well-loved IBC shows from 80s and 90’s. As in may pa-’Ultimate Throwback’ sila everyday.  Kasama rito ang TODAS (Monday to Friday 7:30 p.m.); Sic O’Clock (Monday to Friday 6:00 p.m.); Retro TV (Monday to Friday 7:00 a.m. to 11:00 p.m.) and Cooltura (Monday to Friday 10:30 p.m.).

Dahil gusto nilang gumawa ng mga bagong programa, open sila sa mga talent na gustong magkaroon ng show sa kanila.

Kasama na sa mga programa nila ngayon ang OOTD : Opisyal of the Day, isang public affairs program featuring the senatorial candidates na mapapanood every Tuesday and Thursday at 8:30 p.m.

Malapit na ring mapanood ang #Cooltura na ayon kay Ms. Kat ay bagong mga magagandang lugar sa Pilipinas ang ipakikita nila at hindi ‘yung paulit-ulit na lang na napapanood.

At bilang celebration ng 60th anniversary ng network, isang documentary special entitled The Original No. 1 : IBC 13’s Legacy to Philippine Television  ang mapapanood sa March 8, Friday, 9:30 p.m.

Isa pa sa programa nila na mapapanood ang Tutok 13 tuwing 5:30 p.m.. Ito ang bagong news program nila hosted by former Kapamilya actor Vincent Santos (Greggy Santos ang dating pangalan na ginagamit niya nung nasa ABS-CBN pa siya).

Nakailang programa rin siya sa ABS-CBN pero lahat supporting role lang ang ginampanan niya. Ngayon ay mas masaya raw siyang maging news anchor.

Iconic, bold and chill ang laman ng bago nilang station ID na ang catch line na nga ay IBC, Kaibigan mo.

Hindi na bago si Ms. Kat sa broadcasting industry. Nagsimula ang career niya sa sariling travel show na Trip na Trip and business magazine na Swak na Swak sa ABS-CBN.

Show comments