Mga Isyu sa OWWA sinagot ni Arnell Ignacio!
Si Juan Movement (Party List) spokesperson Arnell Ignacio ang naging guest sa episode 3 ng Take It... Per Minute hosted by Manay Lolit Solis and Manay Cristy Fermin.
Kaya kung anu-anong nakalkal na isyu tungkol sa nag-resign na OWWA administrator.
Pero nang tanungin siya kung totoong may utang sa kanya noon si Karla Estrada, natawa ang comedian/host na tatlong taon ding nagsilbi sa pamahalaan ni Pres. Duterte. Pero sabi naman ni Nay Cristy, nakabayad naman si Karla kay Arnell.
Una muna siyang nagtrabaho sa PAGCOR at nalipat sa OWWA pero nag-decide nga siyang mag-resign (since March 1).
May sakit ang father niya sa kasalukuyan, stage 4 cancer, at nagsara na rin ang negosyo niyang siomai kaya naman na-realize niyang mas kailangan niya ngayong magkaroon ng oras sa pamilya.
“So nagkapera ba siya sa gobyerno?” tanong ni Nay Cristy.
“Alam n’yo ba kung gaano kahirap maglabas ng pera sa gobyerno? Kaya parang mag-aabono ka na lang. Sa rami nang dadaanan mo, ang dami-daming iikutan ng mga dokumento. Sa mga nakokomentaryo na ganyan, hindi n’yo alam ang sinasabi n’yo.
“Kung ako ang babatikusin n’yo, galingan n’yo naman,” bahagi ng sabi ni Arnell. “Kaya mag-aabono ka na lang talaga.”
Eh ba’t na-link sa kanya si Christian Bables? “Kasi nagbebenta ng gluthatione si Christian,” pero hindi naman daw niya nasagot ang message nito.
Pero sa mga artista, sino ang type niya? “Si Jameson Blake,” sagot ni Arnell.
Nabuking din na naloko rin pala si Arnell ng ‘mukhang isda.’
Anyway, pinag-usapan din ng dalawang totoong reyna ng mga intriga na ngayon lang nagsama sa isang digital talk show ang tungkol kina Arjo Atayde and Maine Mendoza.
Bilib na bilib ang dalawang beterana sa ginawa ni Maine. Sabi ni Manay Cristy, kung totoong lalaki si Maine masasabi mo talagang may balls siya. Na nagawa niyang tayaan si Arjo.
Sabi naman ni Manay Lolit, hindi naman talaga showbiz ang orientation ni Maine kaya nagawa niya ‘yun.
Wish nilang makakita na rin si Alden ng mamahalin at maging maligaya na rin ito.
‘Pero bakit ayaw humiwalay ng isyung hindi babae ang hanap ni Alden?’ tanong ni Nay Cristy kay Nay Lolit.
Ang sagot ni Nay Lolit, si Alden kasi mas priority ang trabaho at parang si Coco Martin na nag-iipon muna bago maghanap ng magiging girlfriend.
Pinag-usapan din nila kung bakit hindi masyadong kumikita ang mga pelikulang pinalalabas sa mga sinehan.
Ayon kay Nay Lolit, ang unang ‘pumatay’ sa sineng pinalalabas ay ang cable.
Sagot naman ni Nay Cristy, sa ganda nga naman ng mga palabas sa TV bakit ka pa lalabas ng bahay samantalang hindi ka na mata-traffic at gagastos.
Plus ang streaming na nauuso na nga ngayon.
Maraming nakaka-miss sa totoong talk show sa TV kaya ang mga nanonood ng Take It... Per Minute sa abroad, nakikisali talaga sa discussion.
Sa mga hindi nakakapanood, pa-like and follow lang po ng Facebook page ng Pilipino Star NGAYON para mapanood ang Take It... Per Minute every Tuesday, 12:00 to 1:00 p.m.
Queen Cat nadagdagan
May nadagdag na title kay Miss Universe Catriona Gray
Ibinigay ng Knowledge Channel Foundation, Inc. (KCFI) Queen Cat para sa kanyang pagsuporta sa edukasyon ng kabataang Pilipino ang titulong Ambassador for Knowledge.
Ipinagkaloob ni KCFI president at head ng education arm ng ABS-CBN Integrated Public Service na si Rina Lopez Bautista ang titulo kay Catriona para sa ‘katangi-tanging dedikasyon’ nito ‘sa adbokasiyang pang-edukasyon para sa lahat ng kabataang Pilipino.’
Pinirmahan ito ni Bautista at KCFI vice chairman at ABS-CBN chairman emeritus na si Eugenio Lopez III.
Inanunsyo ang pagkilala sa kanyang bagong titulo sa Magandang Buhay.
Mula pa noong 2016, nag-boboluntaryo na bilang teacher-assistant ang 25 na taong gulang na Filipino-Australian beauty queen para sa mga estudyante ng non-profit na organisasyong Young Focus PH, na tumutulong sa mga kabataan sa Smokey Mountain sa Tondo sa Manila.
“Dahil sa pagkamulat ko sa sitwasyon ng edukasyon at buhay ng mga kabataan sa Smokey Mountain sa pamamagitan ng pagtulong ko sa Young Focus kaya ko naisipang sumali sa pagpa-pageant para mabigyan sila ng boses,” naibahagi ni Gray sa kanyang interview sa Magandang Buhay.
- Latest