^

PSN Showbiz

Big Brother naging liberal na

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Napaka-kunsintidor talaga ni Big Brother ng Pinoy Big Brother: Otso. Kung hindi pa siya pinangunahan ng housemates ay baka hindi pa natigil ang nakakasuya nang PDA ng dalawa niyang housemates na sina Lou at Andre.

To think na wala pang relasyon ang dalawa pero, kung makaarte ay daig pa ang mag-asawa. Sumobra naman yata ang pagiging liberal ni Kuya.

James at Nadine masaya na sa live-in set up!

Tatlong taon nang nasa live-in arrangement sina James Reid at Nadine Lustre pero wala pa sa plano nila ang magpakasal. Masaya na sila sa anumang set up meron sila at the moment, ni hindi nga sila engaged pero both hope na malampasan pa nila ang mga nakaambang hamon sa kanilang relasyon.

So far, ever since na magsama sila ay wala silang natatandaang quarrel na naging threat sa kanilang pagsasama. Katunayan, pareho silang naging matapat sa isa’t isa.

Richard nakialam na kina Arjo/Maine at sa AlDub fans!

Talagang pinipilit ng kampo ng Arjo Atayde at Maine Mendoza na ipa-realize sa AlDub fans na nakapili na si Maine ng lalaki para sa kanya. Unfortunately, si Arjo ito at hindi si Alden Richards. Dapat ilibing na nila sa kawalan ang matagal na nilang pangarap para sa AlDub. Maski na si Ri­chard Gomez ay napilitan na silang pakiusapan nang lumabas ang napaka-gandang larawan ng ArMaine na hindi na maitatago at mapapasubalian ang damdamin ng dalawang nagpalitrato.

Kuya Wes palabas na!

Kaya naman pala si Ogie Alcasid ang unang bumati kay Ina Raymundo sa pagkapanalo nito bilang Best Actress sa Fantasporto International Film Festival sa Portugal para sa pelikulang Kuya Wes dahil pinagbibidahan ito ni Ogie. Kasama niyang nanalo sina AiAi delas Alas at Dante Rivero. Palabas na ang Kuya Wes next week at may grade na “A”.

Cristine napakinabangan ang tinuro ng ex-husband!

Sumabak na rin si Cristine Reyes sa action. Hindi siya nagpahuli kina Anne Curtis at Erich Gonzales with her film Maria. Tungkol ang nasabing pelikula sa ginawang paghihiganti ng isang babae sa mga pumatay sa kanyang asawa’t anak. Naturuan si Cristine ng mixed martial arts ng nakahiwalayan niyang asawa na si Ali Khatibi.

Kitang-kita ito sa marami niyang eksena sa movie na kung saan ay hahangaan siya  ng manonood dahil hindi nabura ng pawis at mga pasa ang ganda at husay niya sa kabila ng aksyon na pinagdaanan niya.

ALDUB FANS

PINOY BIG BROTHER: OTSO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with