Naku Salve salamat naman at nabalik na Instagram ko. Alam mo ba na dahil ilusyonada ako feeling ko nagselos si Jo In-sung kasi nang ma-post iyon tungkol kina Park Bo-gum at So Ji-sub dun na ayaw pumasok iyon mga pinadala kong text sa ‘yo para sa Insta. So sa isip ko hinaharang ni Jo In-sung ang mga text ko kaya hindi mo ma-post. Hah hah. Buti na lang at normal na, ayos na ang technical glitch or else go ako sa Korea para mag-file ng complaint against my one and only Jo In-sung. Back to normal na uli ang pagiging emotional outlet ko sa Insta.
Honestly, hindi na nga diversion para sa akin kundi emotional crutch ko na ang paggawa ng caption for Insta, kaya na sad ako talaga. Pero one thing madali naman ang action ng Insta at nawala na ang kalungkutan ko. Hindi rin nabawasan ang followers ko na agad kong nag-check nang maayos na nga. Hay naku, buti na lang wait mga followers ko at napansin nila na 3 days ako walang posting, pero wait pa rin sila. Thank you talaga.
Gabay Guro tagumpay!
Happy si Mama Chaye Cabal-Revilla, ang Chair ng Gabay Guro dahil very successful ang Teacher’s Festival ng Gabay Guro na ginanap sa Sta. Rosa City Sports Complex sa Sta. Rosa, Laguna noong Sabado.
Kung happy si Mama Chaye, triple ang kaligayahan ng mga guro sa buong lalawigan ng Laguna na pinasaya ng Gabay Guro dahil hindi sila umuwi na luhaan. Bukod sa mga bonggang premyo na take home nila, nag-enjoy sila sa performance ng mga popular celebrity na sinusuportahan ang Gabay Guro.
Sa line up pa lang ng mga invited guest, sulit na sulit ang pagdalo ng mga guro dahil nakita nila nang personal sina Gabby Concepcion, Martin Nievera, Regine Velasquez, Jaya, Kristoffer Martin at ang kanilang kababayan na si Alden Richards na nag-yes agad sa imbitasyon nang malaman niya na treat para sa mga teacher sa Laguna ang event na hindi kalayuan ang venue sa kanyang bagong business na bubuksan sa susunod na buwan.
Saludo ako kay Mama Chaye at Papa Manny V. Pangilinan dahil sila ang nagsanib-puwersa para bigyan ng tribute ang lahat ng mga guro sa Pilipinas na dapat na ituring din na mga bayani ng bayan.
Mahigit isang dekada nang pinararangalan at binibigyan ng importansya ng Gabay Guro ang mga teacher.
Hindi madali na pagsama-samahin ang lahat ng mga guro sa Laguna pero nagawa ito ni Mama Chaye at ng staff ng Gabay Guro kaya tagumpay ang well-organized event.