Carlo Aquino ayaw mag-explain sa nangyari sa kanila ni Angelica Panganiban
Kamakailan ay napabalitang isang modelo na raw ang bagong dini-date ni Carlo Aquino ngayon. Lalong umingay ang balita nang mag-post si Angelica Panganiban sa kanyang Twitter account na ikinagulat ng mga tagahanga katulad ng, “Ngayon lang ako nasaktan. Tapos, na appreciate ko. Kasi, nasasaktan na ko ulit. Totoong nagmamahal na ko. ULIT!!! MAGDIWANG!”at “Iiyak na sana ko. Kaso, naisip ko,,, angge? Naiiyak ka on your own? WhathaOMGFAAAK?!”
Hindi man nagkabalikan ang dating magkasintahan ay maayos naman daw ang kanilang turingan sa ngayon. “As long as okay naman kami ni Angge, speaking terms naman kami, okay na ako doon. Kung ano man ang sinasabi ng mga tao, I don’t feel the need to explain anything. Basta ‘yung mga taong nagmamahal sa akin, ‘yung kilala ako, ‘iyon lang ang importante. Naiintindihan nila ako,” pahayag ni Carlo.
May ilang mga nagsasabing pinaasa lamang diumano ng aktor ang mga tagahanga na posibleng magkakabalikan pa sila ng aktres. Matatandaang nagkamabutihang muli sina Carlo at Angelica noong isang taon nang gawin ang pelikulang Exes Baggage. “Hindi maiiwasan talaga kasi on and off screen, maganda kami tingnan eh. Ang nagkulang lang siguro ‘yung pag-uusap,” giit ng binata.
Hindi naman ikinaila ni Carlo na totoo ang mga larawang naglabasan sa social media na kasama niya ang modelo. Hanggang maaari ay gusto na lamang daw ng aktor na ang pamilya at malalapit na kaibigan ang makaalam tungkol sa kanyang buhay pag-ibig. “Ever since naman, iyon ang kinakapitan ko eh. Naniniwala kasi ako na may ibang mga bagay na kailangan mong kini-keep private para kaya mong tumayo in private, gano’n na lang ‘yung ginagawa ko,” makahulugang pahayag ni Carlo.
Edu 2004 pa ang last movie!
Sa kauna-unahang pagkakataon ay makakatambal ni Anne Curtis para sa pelikulang Just A Stranger sina Edu Manzano at Marco Gumabao. Masayang-masaya si Anne na muli siyang makagagawa ng isang proyektong drama ang tema. “I’m so happy to be going back to a core role for me. It’s nice to go back to romance-drama. A script like that falls into your lap, you don’t want to let it go,” nakangiting pahayag ni Anne.
Kinakabahan naman si Edu dahil mahigit isang dekada na ang nakalilipas nang huling makagawa ng pelikula. “I stopped making movies in 2004, Tanging Yaman. So mataas ang expectations, with Anne pa naman,” pagbabahagi ni Edu.
Para kay Marco ay malaking karangalan ang maging leading man sa isang malaking pelikula mula sa Viva Films. Excited na rin ang aktor na simulan ang shooting ng bagong proyekto. “I’m so happy na ako ‘yung napili. First time ko rin gagawa ng ganitong role,” paglalahad ni Marco. Kasama rin ang binata sa pelikulang Ulan na pinagbibidahan nina Nadine Lustre at Carlo Aquino. (Reports from JCC)
- Latest