^

PSN Showbiz

Coco confirmed na bagong FPJ!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Coco confirmed na bagong FPJ!
Coco

May mga nag-comment na bakit daw kapag may problema na financial ang isang taga-showbiz, parang si Coco Martin ang laging hinihingan ng tulong?

Walang ipinagkaiba si Coco noong panahon ni Fernando Poe, Jr. Kapag may mga tao na nangangailangan ng tulong, si FPJ ang takbuhan nila dahil hindi sila nabibigo at hindi napapahiya.

Legendary na rin ang ginagawa na pagtulong nina FPJ at Coco sa mga taga-showbiz dahil pareho sila na generous at kind-hearted kaya hindi mare-reject ang feeling ng sinuman na lalapit for help.

Ugali rin ng dalawa na tahimik kapag may ibini­bigay na tulong. Hindi sila ­nag-­ii­ngay, basta tumutulong lang.
Nakakabilib nga sina FPJ at Coco dahil simple ang pag-alalay nila, walang maririnig maliban sa pasasalamat ng mga binigyan ng tulong.

Sila nga ang tinatawag na DSWD ng showbiz, charity work na ang pagtulong nila kaya dapat talaga, maging maingat tayo sa pera.

Hindi one day millionaire ang peg dahil hindi rin maganda na lagi na lang hihingi ng tulong kay Coco dahil may pamilya rin siya.

Mabuti nga, bukas palad si Coco at malaki ang puso sa pagtulong pero may hangganan din ang makakaya niya. Thank you Coco sa pagtulong sa mga kasamahan natin sa industriya. We salute you!

Sharon may kamukhang aktres na koreana

Pinanood ko ang Koreanovela na Missing You at bigla ko tuloy na-miss si Sharon Cuneta dahil kamukhang-kamukha niya ang leading lady.

Chubby chubby din ang bidang babae sa Missing You pero Sharon Cuneta ang hair style niya.

As usual, hindi ko na naman know ang mga name ng mga artista ng Missing You dahil ang pangalan lang ng mga Korean star na type ko ang mine-memorize ko. Wah na ako sa research sa iba.

Na-miss ko talaga si Shawie dahil pati ang pag-arte ng leading lady sa Missing You, perfect duplicate niya.

Maganda ang ginagawa ni Sharon, tahimik at walang ingay. Hayaan natin na hanapin siya at ma-miss ng fans, tapos bigla na lamang lalabas si Sharon with a big bang.

Ganyan ang dapat ginagawa ng mga artista, tahimik muna tapos bibiglain niya ang lahat dahil sa kanyang mga bonggang project o whatever.

Watch mo Missing You, Ate Shawie, Xerox copy mo talaga ang bida, promise.

Former beauty queen-turned-actress suwerte sa bagong dyowang pulitiko!

Naintriga ako sa tsismis na isang former beauty queen-turned-actress ang bagong inspirasyon ng pulitiko na kilala ko at ex-boyfriend ng ­another actress na may sariling pamilya na.

Kailangan na malaman ko kung true ang tsismis dahil politician din ang ex-dyowa ng da­ting beauty queen.

May cellphone number ako ng politician kaya puwedeng tanungin ko siya nang diretso dahil sure ako na hindi niya ide-deny, maliban na lang kung talagang walang katotohanan ang balita.

Pero kung totoo na girlfriend niya ang ex-beauty queen, napakasuwerte nito dahil mabait, matalino, rich at eligible bachelor ang politician.

Walang puwedeng ilihim sa showbiz kaya sooner or later, malalaman natin ang real score sa tsismis na ang ex-beauty queen ang bagong inspiras­yon ng politician na isang prize catch.

COCO MARTIN

I SHARON CUNETA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with