^

PSN Showbiz

Arnell Ignacio gusto na uling rumaket, nag-resign sa OWWA!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Arnell Ignacio gusto na uling rumaket, nag-resign sa OWWA!
Arnell

Nung Lunes, February 25 kinumpirma sa amin ni Arnell Ignacio na nag-resign na siya sa OWWA o Overseas Workers Welfare Administration.

Ayaw lang muna niyang magsalita pa dahil sa March 1 pa raw mag-take effect ang resignation niya bilang Deputy Administrator ng OWWA.

Nang nakausap namin siya sa telepono, sinabi na niya sa aming kailangan na raw niyang kumita sa ngayon dahil ang rami na raw niyang pinalagpas na raket dahil sa dami ng ginagawa niya sa naturang ahensya.

“Ang dami ko na kasing pinakawalang raket. Yung Probinsyano nga ilang beses na ako kinukuha, hindi naman nag-swak sa schedule kaya wala eh.

“Binilang ko mula nung December na tinanggihan ko na trabaho, ang laki na talaga,” pahayag ni Arnell.

Ang isa pang inaalala ni Arnell ay napabayaan na raw niya ang pamilya niya.

Ang dami niyang hinaharap na problema ng mga OFW, sariling problema raw niya sa pamilya, hindi na niya naasikaso.

“Alam mo naman ang problema ko sa bahay di ba? Hindi ko na napapansin, lumalaki na.

“Abala na ako sa problema ng mga OFW, sarili kong problema hindi ko na napapansin,” himutok pa ni Arnell.

Sa tono nga ng mga pahayag ni Arnell, parang ayaw na niyang magtrabaho sa gobyerno.  

Hindi rin siya puwedeng makaraket sa mga kampanya sa eleksyon dahil hindi naman puwede. Kaya tama nga sigurong mag-resign na lang siya.

“Naku! Kung balasubas lang ako, puwede akong kumita rito sa gobyerno, pero hindi eh. Wala talaga akong kinikita rito, puro pa problema,” dagdag na pahayag ng actor/TV host.

Actor malilibing na…

Pagkatapos lumabas sa mga diyaryo at online news ang masaklap na kuwento nang pagpanaw ng indie actor na si Kristofer King, bumuhos na ang tulong na ipinarating sa pamilya ng namayapang aktor.

Malaki ang pasasalamat ng asawa niyang si Nikki sa mga lumabas na balita dahil nakarating nga kay Coco Martin ang problema nila kung paano nila maipalibing si Kristofer.

Lunes, February 25 ng gabi, dumating si Coco sa burol ni Kristofer kasama ang direktor na si Brillante Mendoza.

Nagkagulo ang mga tao sa Rizal Funeral Homes sa Libertad, Pasay para magpa-picture kay Coco, pero pagpasok naman ng Kapamilya Primetime King sa loob ng chapel, behaved naman silang lahat, hindi sila pumasok para makigulo.

Hindi napigilan ni Nikki na maiyak nang makita si Coco. Pati ang limang anak nila ay tuwang-tuwa rin at gusto na nga magpakandong sa aktor ang bunsong anak ni Kristofer.

Halos isang oras ding nagtagal si Coco sa burol, at okay lang sa kanya na naaabala sila ng mga taong gustong magpalitrato sa kanya.

Pagkaalis ng aktor, nakangiti na si Nikki pero maluha-luha siyang sinabi sa ilang reporters na sinagot na raw ni Coco ang lahat na gastusin, mula sa hospital bills hanggang sa pagpapalibing nito.

Bago dumating si Coco, may ipinadala na itong bulaklak, kaya medyo nabuhayan na raw siya ng loob. Hindi na raw niya inasahang darating pa ito dahil alam naman niyang busy ang aktor.

 “Nang dumating na siya kanina, wow…parang ‘ano ba ‘to? Inutusan ba ito ng Diyos?’ Dumating siya, napaiyak na ako.

“Hindi ko alam ang gagawin ko. Tuwang-tuwa ako..andito na siya sa harap ng kabaong ng asawa ko,” maluha-luhang pahayag ni Nikki.

“Tinatanong na niya ako, magkano lahat ang babayaran, ano ang nangyari, bakit namatay siya, bakit biglaan.

“Sinabi ko naman lahat sa kanya. Tapos, sabi niya sa akin, ‘sige sagot ko na lahat.

“Diyos ko po! Para akong binagsakan ng langit at lupa.

“Sabi ko sa kanya, ‘buti nakaharap kita, Kasi gusto kong humingi ng tulong sa ‘yo, kasi alam ko pag ikaw, isang pitik lang, okay na.

“Sabi niya, ‘okay na, sige ako na,” nakangiti pa niyang sabi.

Bukod kay Coco, pati mga movie press ay nag-ambag-ambag na rin para mairaos lang sana ang death certificate ni Kristofer, pero tuluy-tuloy na ang pagdating ng mga tulong.

Malaking bagay na rin ito para may maiwan sa pamilya ni Kristofer dahil sa dalawang anak pa lang niyang may Hunter Syndrome, kailangan niyang makalikom ng sapat na halaga para sa pagpapagamot nito every week.

Kuwento sa akin ng lola ng mga bata, every Thursday daw ay dinadala niya sa PGH ang dalawang anak na lalaki ni Kristofer para sa maintenance ng dalawang batang may Hunter Syndrome.

“Sila naman ang napili ng DOH na recipient ng gamot sa Hunter Syndrome, pero may babayaran pa rin po na halos 500 pesos bawat isa.

“Naghahanap na naman po ako ng mautangan ng isang libo para sa kanilang dalawa,” kuwento sa akin ng lola ng mga bata, habang pinipigilan ko ang maluha sa sobrang awa sa mga bata.

Yung isang anak ni Kristofer na lalaki ay maliit tingnan sa edad na 11. Parang nainis pa siyang sagutin ako nang tanungin ko kung ilang taon na siya. Tila nahihiya siyang sabihing 11 years old na siya sa liit niyang iyun.

Iyung panganay niyang anak na lalaki na may ganun ding karamdaman ay 18 years old na ito, pero maliit din.

Kaya iyun ang inaalala ni Nikki pagkatapos ng libing kay Kristofer, kung saan siya makahanap ng sapat na halaga para sa pantustos sa lima nilang anak.

Ang trabaho lang kasi ni Nikki ngayon ay tumutulong siya sa nanay sa pagtahi ng mga retaso para gawing basahan.

Pelikula nina Jodi at Marvin natuloy din ang showing

Ngayong araw na ang showing ng Second Co­ming nina Jodi Sta. Maria.

Mukhang mauuso ngayon ang horror dahil meron pang Erie na malapit na ring ipalabas.

Sabi ng direktor ng Second Coming na si direk Jet Leyco, tingin daw niya tamang timing ang showing nito ngayon dahil natagalan bago ito natapos.

“Hindi kasi mapagtugma sa schedule ng mga artista eh. Pero okay lang, right timing lang ang showing nito ngayon,” pakli ni direk Jet.

Dapat kasi ay isasali ito sa Pista ng Pelikulang Pilipino nung nakaraang taon, pero hindi rin natapos nang buo.

Hindi rin umabot sa Metro Manila Film Festival, kaya ngayon lang talaga ito nabigyan ng playdate.

Proud naman si direk Jet pati ang Reality Films dahil maganda raw ang kinalabasan at bumagay kina Jodi at Marvin Agustin.

Introducing dito ang dating Ms. World Philippines na si Queenie Rehman, na umaasang mapapansin din siya sa showbiz para maipakita namang may ta­lent siya sa pag-arte bukod sa pagkanta.

 

ARNELL IGNACIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with