Bidang aktres, para ring Pinay
Very Pinoy ang pelikulang Roma na nakakuha ng dalawang award sa ginanap na Oscars kahapon, Linggo sa Amerika.
Nanalo ito ng Best Foreign Language and Best Director for Roma’s director Alfonso Cuaron.
Black and white ang movie na tungkol sa isang pamilya na may mga kasambahay.
In a nutshell, kuwento ito ng troubled marriage na may mga anak na malapit sa isa sa kasambahay nila.
Itinuring nilang tunay na kapamilya ang nasabing kasambahay (ginampanan ni Yalitza Aparicio na nominadong Best Actress). Pero na in love si kasambahay at nabuntis ng boyfriend pero tinakasan. Ang among pamilya ang nag-alaga kay ate kasambahay pero hindi nabuhay ang baby.
Simple ang kuwento ng pagmamahalan sa isang pamilya at kasambahay ng pelikula na mula sa bansang Mexico pero nakalusot sa mapanuring mga hurado ng Oscars.
As in pag pinanood mo pa nga parang Pinay ang bida dahil very Asian ang hitsura niya, maliit na babae at pati kulay aakalain mong Pilipina. Pero isa siyang Mexican, Yalitza Aparicio ang pangalan na isang primary school teacher.
At sa Oscars nga kagabi, isa sa mga inabangan. Sabi sa article ng vogue.co.uk, “A few months ago, the name Yalitza Aparicio would not have meant much to many, but tonight, at the Academy Awards, she stands proudly nominated for Best Actress for her role in Alfonso Cuarón’s Roma. Before being catapulted into the spotlight by Cuarón’s latest film, the 25-year-old primary school teacher from Tlaxiaco, Oaxaca, had no formal acting training, let alone red-carpet experience. Tonight, though, she’s among the brightest stars. And her dress of choice for Hollywood’s most glamorous night? Custom Rodarte.”
Walang hubaran ang pelikula, walang malalim na kuwento, walang sigawan, o suntukan o pakita ng mga kadiring mga eksena pero wagi sa Oscars.
Nakakuha ang Roma ng 10 nominations kasama na ang Best Picture at malaking nakakagulat pa napanood lang ito sa streaming provider na Netflix na nakipagtagisan sa mga malalaking Hollywood films sa katatapos na Academy Awards.
Anyway, ‘yun siguro ang dapat pag-aralang maigi ng mga filmmaker natin sa kasalukuyan. Iba ang taste ng mga hurado. Hindi sila impressed sa mga pelikulang magdurusa ka sa panonood dahil palalim ang kuwento o kaya ay may gay relationship, kahirapan or kung anu-ano pang poverty porn story.
Walang ganun sa Roma, simple at heart warming. Walang kaartehan at effects.
Magsilbi sana talaga itong basehan ng filmmakers natin at mga artista para mas mapansin tayo sa ibang bansa o sa Oscars man lang.
Anyway, wala ring host ang ginanap na Oscars na nakaka-amazed din na puwede pala ‘yun kung saan bumida rin ang bandang Queen.