Marami ang na-disappoint nang matalo at maging 2nd runner-up lamang ang crowd favorite ng segment ng It’s Showtime na Miss Q & A na si Chad Kinis pero, tanggap ng mga supporter niya, at sana siya rin, na talagang pinakamaganda ang ibinigay na talak ng big winner na si Mitch Montecarlo Suansene at maging ng first runner-up na si Czedy Rodriguez. Nakadagdag pa siguro sa good karma ni Miss Q&A 2019 ang pangyayaring malaking bahagi ng premyo niya ay ibabahagi niya sa maraming biktima ng malaking sunog na puminsala sa kanilang lugar sa Bataan.
Ronnie at LT, sasamahan si Coco
Ayaw papigil ng FPJ’s Ang Probinsyano. Talagang matatagalan pa ang pag-ere nito. Makakasama pa sa serye ang nagbabalik na si Ronnie Ricketts, at pati na rin si Lorna Tolentino ay mapapanood na rin kasama si Coco Martin.
Kung excited si Ronnie na mapanood sa napakahabang serye ng ABS-CBN, dahil makakatulong ang programa para mai-promote niya ang comeback film niyang Exit Point, ganun din si LT dahil naging anak niya si Coco sa isang serye na ginawa niya sa Kapamilya.
Daniel hinihintay tulungan si Karla
Sana hindi paandarin ni Karla Estrada ang kanyang amor propio at imbitahan si Daniel Padilla sa preem night ng movie nila ni Jobert Austria na Familia Blondina. Makakatulong ng malaki ang anak niya para mapalakas ang movie niya. Siguradong kahit ang bakasyon nito sa Amanpulo ay magagawa nitong iwan sumandali para masuportahan ang nanay niya, he has all the means. Sana rin makatulong ang bakasyon nila ni Kathryn Bernardo, yes magkasama sila sa Amanpulo, para maayos nila, kung anumang gusot meron sila.
Nadine at Empress maraming nakuhang plus sa ‘live in set up’
Hindi lamang naman si Nadine Lustre ang masaya sa live in arrangement nila ni James Reid. Ilang taon na rin naman sila sa ganitong sitwasyon pero, mas maraming plus kaysa minus ang nakukuha nilang benepisyo. Mas nakilala nila ang isa’t isa at ‘di nakaranas ng ‘di pagkakaunawaan kahit minsan.
Wala ring ganitong problema si Empress Schuck na three years nang ka-live si Vin Guingona. May anak na sila pero, once a month lang silang magkita kapag umuuwi ito ng Maynila dahil sa probinsya ito naka-based.