^

PSN Showbiz

Juris at Ice may pahabol sa Valentine’s!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Di pa tapos ang Valentine.

May chance pa ang lahat na madama ang Araw ng mga Puso.

Treat yourself sa post-Valentine concert na All Heart nina Ice Seguerra at Juris ngayong gabi, Feb. 22, 2019, Friday, 8 p.m. sa Sta. Rosa Sports Complex in Sta. Rosa, Laguna.

All Heart is presented by Frontrow.

“We’re excited to do this concert. We are always excited to make people happy and in love,” ani Ice, na isa ring actor at guitarist bukod pa sa pagiging singer-songwriter.

“In All Heart, we will definitely give all our heart to entertain the crowd at Sta. Rosa Sports Complex. Everybody will fall in love,” dagdag pa ni Juris, na isa ring songwriter.

Ang All Heart ay produced by Aldueza Entertainment Productions (AEP), na pagmamay-ari ng isang young businessman na si Glenn Aldueza.

Ang AEP din ang producer ng successful provincial concerts ni Morissette, Parokya ni Edgar, Agsunta at ng international band na A1.

Makakasama nila sa nasabing concert sina Ivan Espinosa, Budeths Ca­sinto, Angelo Villegas, Mike Villegas and Oja Jimenez as members of the band.

Available na ang mga ticket sa SM Tickets, Santa Rosa Sports Complex ticket booth, Pavillion Mall Main Entrance in Biñan Laguna contact AEP at 0915- 3288278. (BT)

Ayon sa Kantar... CineMo, YeY, at ibang TVplus channels pumapalo sa ratings!

 Parami na pala nang parami ang viewers ng di­gital TV dahil nakabenta na ang ABS-CBN ng 7 mil­yon na units ng ABS-CBN TVplus ngayong Pebrero, buwan ng ika-apat na anibersaryo nito.

Obvious din na mas marami na ring kabahayan ang tumatangkilik sa malinaw na panonood ng exclusive DTT channels dahil nasa ikatlo at ika-apat na pwesto umano ang CineMo at YeY sa listahan ng most watched channels, ayon sa Kantar Media Q4 2018 report na sakop ang DTT households nationwide.

Samantala, matapos ilunsad bilang bagong dagdag na channels sa TVplus noong 2018, nasungkit ng Jeepney TV ang ika-limang pwesto, habang nasa ika-anim at ika-walong pwesto naman ang Movie Central at Asianovela Channel sa most watched channels.

Sa kabilang dako, tinangkilik ng 1.2M TVplus customers ang KBO dahil sa ilang mga bagong pelikulang Pinoy na ipinapalabas nito. Mas naging madali na rin ang pag-register sa KBO dahil open na ito to all networks.

Ang ABS-CBN na nagtra-transition ngayon para maging isang digital company, ang unang media at entertainment company sa bansa na nag-broadcast ng digital terrestrial television (DTT) para mabago ang panonood ng TV ng maraming Pilipino.

Naging maganda rin pala ang taong 2018 para sa ABS-CBN TVplus dahil mas maraming kabaha­yan na walang cable ang nagmamay-ari ng TVplus.

Ayon pa rin sa isang Kantar Media establishment survey noong Agosto 2018, 72% ng non-cabled homes sa Metro Manila ay naka-TVplus na, kumpara sa 55% noong Agosto 2017. Sa Mega Manila, tumaas din sa 65% ang non-cabled homes  na naka-TVplus mula sa dating 44%.

Samantala, 57% na non-cabled homes na sa suburbs ang may TVplus sa tahanan, laban sa 33% noong Agosto 2017.

Inilunsad din noong 2018 ang limang bagong TVplus channels kabilang na ang Asianovela Channel, Movie Central, MYX, Jeepney TV, at O Shopping.

Noong Nobyembre 2018, na­ging parte na ang Batangas sa signal coverage areas ng TVplus bukod sa Metro Manila, Bulacan, Nueva Ecija, Pangasinan, Rizal, Laguna, Pampanga, Tarlac, Benguet, Cavite, Metro Cebu, Cagayan De Oro, Ilo­ilo, Bacolod, at Davao.

ALL HEART

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with