Katrina hindi natinag sa pagkanta kahit pinadapa sa semento, pinasakay sa bull ni Vice

Katrina Velarde

Unti-unti nang sumisikat si Katrina Velarde. Matagal ko na siyang napapanood, lalo na sa mga show ni Gary V, kamakailan lamang siya gumawa ng sarili niyang major concert, ang SiKat Na Ako.

Nakatulong pa ng malaki ang ginawa niyang pagbisita sa Gandang Gabi Vice na kahit anong distractions ang gawin ng host ng show ay napa­natili niya ang kalidad ng kanyang boses. Nilagyan ng sipit ang kanyang ilong, pinadapa sa semento at pinasakay sa isang electronic bull. Lahat ay walang nagawa pa­ra mapatigil siya sa pagkanta o hindi siya ma­kakanta. Bahagi ng sinasabing panahon na niya ngayon ay ang ma­pasama sa isang concert tour ni Anne Curtis sa abroad. Mas makikilala pa siya.

Daniel madalas nang mag-solo

Hindi magandang promo ng pelikula ni Karla Estrada at Jobert Austria na bida sa movie nila for the first time yung parang pagwawalang bahala ni Mo­ther Queen na ipang-imbita ang movie nila. Paano ito panonoorin kung  mismong si Karla ay parang hindi bilib dito? Hindi kakaunting gastos ang ginugol sa movie ng nagprodyus nito. Tsk. Tsk. Tsk.

Samantala, huwag nang paghirapan ni Karla na itanggi ang kaganapan ngayon sa KathNiel. Lalabas din naman ang totoo sa tamang panahon. Hindi na kay Kathryn Bernardo ipinareha sa ASAP si Daniel Padilla kundi kay Regine Velasquez.

It did him a lot of good, marunong siyang kumanta. Pansamantala, hindi na-miss ng fans ang ka-loveteam niya. Kung lalawig pa ito at hindi maaapektuhan ang kanilang karera, baka payagan na rin sila ng fans na maghiwalay.

Isang senatoriable sobra ang kahambugan

Hindi rin naman nabago ang listahan ko ng mga senatoriables sa ginawang unang sultada ng ABS-CBN ng Harapan para maipakilala sa publiko ang mga tumatakbo para sa Senado.

Andun pa rin ang pitong pangalan na una ko nang napili. Nadagdagan lamang ng isang da­ting taga-media, na sa kasimplehan ng pananalita ay nagawang maiparating ang payak niyang pangarap sa Senado, at para sa bansa.

Turned off naman ako sa isang sobrang napaka-palalong kandidato na baka patakbo ng isang pamil­yang gustong bumalik sa kapangyarihan. Hindi siya aware na ang kayabangan niya ang ikakatalo niya.

Relasyong Arjo at Maine, unti-unti nang tinatanggap

Unti-unti nang nano-normalize ang romansa nina Arjo Atayde at Maine Mendoza. After nilang magkaroon ng advance celebration ng Valentine’s Day sa abroad na walang nagawa ang mga tutol kundi tanggapin ang sitwasyon dahil wala naman sila dun, heto ang dalawa na madalas nang lumabas na magkasama sa mga malalaking social events, na para bang dun sila nararapat na makitang magkasama. In due time, magiging ordinaryo na lamang ang pagsasama nila.

Show comments