^

PSN Showbiz

Local singers abala sa Araw ng mga Puso!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Local singers abala sa Araw ng mga Puso!
Mariel at Ogie

Unique combination ang team nina Ogie Alcasid at Mariel de Leon para sa Valentine show nila.

Marami ang hindi nakakaalam na singer si Mariel bago ito na­ging beauty queen kaya mabuti na lang, naisip ni Leo Dominguez na hasain na mabuti ang talent niya sa pagkanta.

Umaariba ang  lahat ng  mga artista ni Leo dahil sunod-sunod ang mga presscon para sa kanila.     

Ibang-iba ang offer na music nina Ogie at Mariel sa concert na pagsasamahan nila. Love nga ni Mariel na isa sa magiging mentor niya si Ogie sa concert scene.

Congrats to both music lovers Ogie and Mariel.

Gaganapin ang concert nila na Master of Love sa February 14, 2019, Newport Performing Arts, Resorts World Manila.

Sa totoo lang gustong-gusto ko na marami ang mga Valentine show na mga local singer ang headliners.

Nandiyan din ang Valentine show nina Martin Nievera at Lani Misalucha sa PICC, ang Valentine concert ni AiAi delas Alas at ng Hitmen at ang show nga nina Mariel, Ogie at ng National Artist for Music na si Ryan Cayabyab.

For a while, naranasan natin na mga foreign act ang may mga Valentine concert sa Pilipinas, mga imported singer ang mga bumibida.

At least now, ang  top Filipino singers and performers ang nasa frontline. Tama ang sinabi ni Ogie, sad kapag walang  mga Valentine show ang isang singer dahil ito ang araw nila para pasayahin ang audience. Hindi raw kumpleto ang kanilang pakiramdam kung wala silang mga concert.

Mabuti na lang busy ngayon ang mga Pinoy singer at medyo malayo ang booking nila kina Josh Groban at Michael Buble dahil ang mga local talent natin ang dapat na mag-shine sa mga ganitong panahon.

Paglilinis sa Manila Bay nasayang!

Dahil yata sa lamig  ng panahon kapag umaga, parang tinatamad ang mga tao na bumangon at kumilos.

Tanghali na pero nakakatamad tumayo at sobrang weird ang lamig na nararamdaman sa paligid.

Ibang-iba ang ihip ng hangin, tapos makakabasa ka ng balita tungkol sa bombing sa Jolo Cathedral at ang mahihinto na paglilinis sa Manila Bay dahil sa mga informal settler.

Bakit dumami nang ganoon ang mga informal settler? Bakit pinabayaan na mangyari ‘yon? Paano na ngayon?

Ang sabi ni Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat, swimmable na by December ang Manila Bay.

Marami ang natuwa at nag-look forward na makita ang sunset sa Manila Bay. Nakapanghihinayang talaga kung ititigil ang paglilinis sa Manila Bay.

Saka paano nangyari na binomba ang isang cathedral? My God, bakit nangyari? Please, sana malutas na ang  ganitong problema.

Lokal na tsinelas bongga ang gawa

Ang Meigan sandals and slippers ang paborito ko ngayon. Magaganda ang collections nila na puwedeng ilaban sa imported brands dahil matibay ang materials at very affordable ang presyo.

Discovery ni Rose  Garcia ang Meigan at binigyan nila ako kaya ngayon, meron na akong tatlong sandals na sure na araw-araw ko na gagamitin dahil mga tsinelas lang ang mga favorite footwear ko.

Impressive talaga ang craftmanship ng Meigan as in hindi ka na bibili ng mga imported footwear kapag nasubukan na gamitin ang mga produkto nila.

Very comfortable sa paa, magaan at masarap gamitin. Believe me dahil lover ako ng slippers kaya comfort ang madalas na hanap ko. Maipagmamalaki talaga ang fashionable designs ng Meigan Collection na palagi ko nang isinusuot.

MARIEL DE LEON

OGIE ALCASID

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with