Showing pa rin ang Hollywood film na Serenity ng Viva International Pictures at MVP Entertainment na lahat ng mga nanood ay nagulat sa mga eksenang puno ng suspense.
Si Matthew McConaughey (Academy Award Best Actor, Dallas Buyers Club) ay gumaganap bilang Baker Dill, isang fishing boat captain sa isla ng Plymouth. Nabubuhay siya ng tahimik hanggang biglang dumating ang dati niyang asawa na si Karen. Ayon kay Matthew (Baker) siya ay nakatanggap ng ”very indecent proposal” mula rito.
Ang papel ni Karen ay ginagampanan naman ni Anne Hathaway (Academy Award Best Supporting Actress, Les Miserables). Siya ay asawa na ngayon ng isang multi-millionaire na si Frank, ginagampanan ni Jason Clarke (Zero Dark Thirty, Terminator Genisys).
Pero si Karen ay isang battered wife at gusto niyang ipapatay si Frank kay Baker. Kunwari ay dadalhin ito sa fishing tour ngunit itatapon sa dagat para kainin ng mga pating.
Bata pa lang si Karen nang maging asawa nito si Baker. Nagkaroon sila ng anak, ngunit nawasak ang kanilang pamilya nang ipadala si Baker sa isang digmaan. Nang makilala niya si Frank, naalala niya si Baker sa katauhan nito dahil mahilig rin itong mangisda. Inakala niyang magiging mabuti ang buhay niya sa piling ni Frank, ngunit ito ang kanyang naging “worst nightmare come true.”
Samantala, si Baker ay may bago ring karelasyon, si Constance, isang maperang babaeng lumaki sa Plymouth Island. Ito ay ginagampanan ni Diane Lane (Academy Award nominee, Unfaithful). Nasa sitwasyon pa rin si Baker na pinipilit mag-move on sa kanyang madilim na nakaraan. Ngunit kaya ba niyang talikuran ang dating asawa? Mapagbibigyan niya ba ito nang hindi inuusig ng kanyang konsensiya?
Ang direktor na si Steven Knight (Lock, Redemption) ang siya ring sumulat ng screenplay ng Serenity.
Ito ang ikalawang pelikulang pinagsamahan nina McConaughey at Hathaway. Ang una ay ang Interstellar noong 2014.
Sa tanong na kung ano ang nagtulak sa kanila para gawin ang pelikulang ito, tugon ni Matthew sa isang online interview, “ I saw a character that I could be very personal with, really find an identity that I can understand.”
Sabi naman ni Hathaway “creative at extraordinary” ang pagkakasulat ng pelikula. “I got half-way through (reading) and I have no idea what’s going on, but I’m completely in… And I wind up in a place that was very different than I thought it was going to, but it was a place of feeling and intelligence and soulfulness.”
Nag-shooting ang Serenity sa Mauritius, isla sa Indian Ocean. Nag-umpisa itong ipalabas sa mga sinehan noong Wednesday, February 13.