Kamakailan ay nagkatambal sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya sina Barbie Imperial at Paulo Angeles.
Isang malaking karangalan daw para sa aktres na makapagbida sa nasabing longest-running drama anthology. “Sobrang saya kasi no’ng sinabi sa akin na, ‘Barbie, may MMK episode kami na ibibigay sa iyo.’ So parang ako, ‘Oh my God!’ Sobrang nato-trauma ako sa MMK kasi totoong buhay siya na nakakakaba siya every time. So no’ng sinabi sa akin na ito ‘yung first MMK ngayong year, mas lalo akong na-pressure. Kasi ang dami-daming artista, parang sila na lang. Grabe, sobrang pinaghandaan ko siya,” nakangiting bungad ni Barbie.
Matagal nang magkaibigan ang aktres at si Paulo kaya naging madali na ang trabaho para dalawa. “Si Paulo rin marami silang lumaban para makuha ‘yung role. Sobrang happy ko na si Paulo ‘yung napili. Kasi hindi siya mahirap ka-work eh. Like magkatrabaho kami nagsisimula pa lang ako. Happy kami na sobrang close tayo, sobrang tropa tayo. Sa Araw Gabi’ magkasama kami. Tita niya ako do’n. So parang, ‘May chemistry pala tayo Pau.’ Sabi naming gano’n,” kwento ng dalaga.
Ayon kay Barbie ay posibleng ang Hashtags member na ang kanyang bagong makakatambal sa mga proyektong gagawin. “Yeah, official. Pero hindi ko sure na hindi kami ipi-pair sa iba. Magiging love team kami sa ibang project,” pagtatapos niya.
Krystal, na-tense sa abs ni Marco
Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkatambal sina Marco Gumabao at ang Kapuso actress na si Krystal Reyes. Nagbida ang dalawa sa pelikulang Apple of My Eye na napapanood ngayon sa iwant.ph. “Kasi natapos ‘yung contract ko with GMA, actually matagal nang tapos. Nag-freelance ako and then kinontak nila ako. Noong nabasa ko ‘yung script, nagustuhan ko siya. Kasi mahilig ako sa K-drama and ‘yung sinulat ni Bela (Padilla) merong magic ng K-drama na alam mong kikiligin ka kahit sobrang simple lang. Kaya sobrang minahal ko ‘yung script,” pagbabahagi ni Krystal.
Aminado ang dalaga na kinabahan siya nang unang makilala at makasama si Marco. “Feeling ko sobrang tahimik niya. Tapos alam mo ‘yung lalaking-lalaki, masculine. So no’ng una hindi ko talaga alam kung paano siya ia-approach, na-tense ako. Sabi ko, ‘Baka maglabas ng abs si Marco, wala akong ipanglalaban,” natatawang kwento ng aktres.
Bukod sa bagong leading man ay kinabahan din si Krystal sa bagong production team na kanyang nakatrabaho. “Kinabahan siyempre ibang production, ibang team then si Marco sa kabilang bakod din siya. Sobrang kinabahan ako, ‘yung shooting kasi namin ang laki ng gap dahil Holy Week, ang daming bakasyon. Kaya noong una nahirapan kaming mag-usap kasi sobrang mahiyain ako. Mahilig ako sa basketball, kasi fan ako. Eh basketball fan din siya (Marco), tapos Lakers din siya so do’n kami nagsimula,” pagdedetalye ng aktres. (Reports from JCC)