^

PSN Showbiz

GMA nakakolekta ng maraming dugo

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
GMA nakakolekta ng maraming dugo
Alden

MANILA, Philippines — Umabot pala ng 1,136 (511,200cc) blood bags ang na-turnover ng GMA Network sa Philippine Red Cross. Naipon nila ang mga nasabing dugo sa ginanap na annual Kapuso Bloodletting Day na simultaneously in various parts of the country last February 8.

Sa Kapuso employees pa lang, along with their families and friends, nakapag- donate na sila of 317 blood bags habang ang bloodletting activities sa Dagupan, Ilocos, Naga, Cebu, Bacolod, Iloilo, Davao, General Santos, and Cagayan de Oro ay nakakalap ng 819 blood bags.

Isa si Alden Richards sa mga Kapuso star na nakiisa sa pagdo-donate ng dugo.

Ika-second time na nito ni Alden.

“Seeing fellow Kapuso employees wholeheartedly giving a part of themselves to help save other people’s lives is incredibly touching and inspiring. Our sincere thanks to everyone who supported this meaningful project,” said GMA Vice President for Corporate Affairs and Communications Angela Javier Cruz.

Samantala, sa mga interesado pa na mag-donate ng dugo puwede silang mag-participate sa bi-annual blood drive  Sagip Dugtong Buhay this Saturday, February 16, 8AM to 6PM, at Ever Gotesco Mall in Quezon City. 

Alone... nakaligtas sa semplang ng mga pelikula

Confirmed na kumita ang pelikulang Alone / Together nina Enrique Gil and Liza Soberano.

Ang sabi ng Star Cinema, naka-P21 something million ito sa first day at nadagdagan pa ng mga sinehan.

So ito pa lang ang masasabing box office hit movie for 2019.

Nagkasunud-sunod ang mga pelikulang Tagalog na semplang sa takilya kaya maraming nalungkot.

Dumating na sa point na nagsa-suggest ang mga industry players na sana ay ilipat sa Biyernes ang pagpapalabas ng mga sineng Tagalog para hindi mabilis matanggal sa mga sinehan.

Pero ngayong kumita ang Alone / Together, confirmed nga na namimili ang mga gumagastos sa mga sinehan ng panonoorin.

Sa kuwento talaga at mga bida nakasalalay ang success ng isang pelikula.

Maraming mga indie director / writer ngayon ang nagsasabing kakaiba ang pelikula at unique ang kuwento, pero pag pinanood mo mawiwindang ka.

Ang bottomline talaga, formula movie ang hanap ng manonood.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

KAPUSO BLOODLETTING DAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with