^

PSN Showbiz

DJ Chacha nagsalita na sa totoong relasyon nila ni Ted Failon

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
DJ Chacha nagsalita na sa totoong relasyon nila ni Ted Failon

Bukod sa ikakasal na ang popular na MOR DJ na si Chacha, may pelikula na rin siya.

Yup you read it. Isa siya sa main cast ng pelikulang Pansamantagal, co-starring with Bayani Agbayani and Gelli de Belen, produced by Horseshoe Studios.

Ikakasal si DJ Chacha sa non-showbiz boyfriend niya na isang negosyante.

Seven years na ang relationship nila ng mapapangasawa na nakilala niya sa isang bar. Broken hearted siya that time nang gumimik sila ng pinsan at mga kaibigan niya na trip mag-ikot sa mga table at saka ipakilala sa kanila. Doon nagsimula ang lahat.

Nag-proposed sa kanya ang magiging mister sa Bangkok.

Sa Tagaytay gaganapin ang kasalan sa May. Pero ayaw niyang banggitin ang venue at pangalan ng magiging mister though kilala naman ang hitsura nito dahil sa pagiging visible sa kanyang social media account.

Kumusta naman si Ted Failon?

Kung nakikinig ka kasi sa programa ni Ted sa DZMM kung saan ka-tandem niya sa last part ng programa ang DJ, mag-iisip ka na may nagaganap na ‘landian.’

Madalas kasi siyang biruin ni Ted at game na game naman siya.

“We had the right love at the wrong time,” sabay tawa ni DJ Chacha nang makatsika namin kahapon.

Pero wala pala. “Matagal na rin naman kasi kami ng dyowa ko, almost seven years.”

So hindi ba na-distract ni Papa Ted ang dyowa niya?

“Lagi kong sinasabi sa kanya na pag nag-split kami si Papa Ted ang dyodyowain ko.”

Anong sabi ni boyfie?

“Natatawa lang siya kasi akala niya joke lang.”

Ninong ba si Ted sa kasal? “Yes Ninong siya. Pero hirap na hirap akong papayagin siya. Kasi hindi siya talaga nag-aanak sa kasal. Ano kasi ‘yan si Papa Ted super bait ‘yan. Pag gusto ka niya, gusto ka niya. Mukha lang siyang mataray. Halimbawa nakasalubong mo siya sa hallway ‘yung parang wala lang. Pero super bait  talaga ‘yan. Super maalaga siya hindi lang sa akin, sa aming lahat na staff.”

So wala talaga. “Wahhh. Nagbibiro lang siya.”

Hindi ba niya (Ted) alam na may dyowa ka? “Parang nag-Boracay kami ng dyowa ko, ‘yung isa sa mga staff pinakita ang pictures namin kaya nalaman niya.”

Hindi niya ba sinabi?

“Kasi parang hindi naman niya tinatanong. Parang hindi ko naman kailangang sabihin.”

Pero hindi ba nag-try ang balong broadcaster?

“Nagloloko lang naman siya like inaya niya ako na ‘Hong Kong tayo.’ Eh Joke lang naman ‘yun.”

Wala bang girlfriend si Ted?

“Sabi niya single siya. Seryoso wala naman akong nakikitang kasama niya. Ang tagal ko na rin sa DZMM wala naman akong nakikitang kasama niya.

“Kasi siya hindi siya nag-a-attend ng mga party. So may sarili siyang pa-party.Mas gusto niya sa bahay. At so far wala akong nakikitang kasama niya.

“Saka lagi ko siyang tinatanong kasi pag pinakikita niya ‘yung mga kuha niyang pictures pag nag-a-abroad ang gaganda ng pictures. So tinatanong ko, sino kasama mo, sabi niya tour guide ang kumukuha. Wala naman akong nakikita, so wala naman siguro.

“Pero siguro kung single lang ako, nagustuhan ko siya. Hahaha.”

Anyway, going back to Pansamantagal, serbedora ang role niya sa nasabing pelikula na showing na sa March 27.

“Ang role ko kasi parang talakera lang na serbedora.”

So nag-adjust ba siya mula sa pagiging DJ to pagiging actress?

“Nag-adjust din kasi iba na pag may camera. Pero sobrang bait ng director namin (Joven Tan). Magtatagpo-tagpo kami nina Bayani and Gelli na pare-parehong sawi sa kuwento,” banggit pa niya.

First movie niya ito at hindi niya naisip na magiging artista siya.

May mga previous acting assignment na siya on TV pero DJ pa rin ang role niya kaya hindi siya nanibago.

“Hindi ko na maiisip na magiging artista ako. Nag-taping na ako dati pero ang nakakatawa kasi dun pag naggi-guest ako DJ pa rin ang role ko.

“Eh dito iba na.”

Umaasa si DJ Chacha na kikita ang pelikula at nangako na hindi niya tatantanan ang pagpo-promote sa kanyang radio show.

vuukle comment

DJ CHACHA

TED FAILON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with