Chiro treatment malaking ginhawa sa katawan

Doc Rob at Patricia

Nainggit ako kay Gorgy Rula dahil nagpa-chiro treatment na naman siya kay Dr. Rob Walcher na asawa ni Patricia Javier.

Gusto ko pa naman na magpa-chiro uli kay Doc Rob sa clinic nito sa second floor ng POS Buildings na nasa likod ng Belo Medical Clinic sa Tomas Morato Avenue, Quezon City.

Invited ako noong Sabado sa launch ng Doc Ron’s Guide To Better Health & Wellness, ang libro na isinulat ni Doc Rob pero dahil sa ubo ko, hindi natuloy ang pagpunta ko.

Sa totoo lang, malaking ginhawa sa katawan ang chiro treatment ni Doc Rob dahil mahusay siya sa alignment ng mga buto at hindi kamahalan ang singil niya.

Hindi man ako nakarating sa book launch ng kanyang asawa, ipinadala sa akin ni Patricia ang kopya ng libro at ang infinity cushion na si Doc Rob ang nag-design at exclusive na mabibili sa clinic nila.

Perfect ang infinity cushion para sa mga empleyado na maghapon na nakaupo sa silya o nasa harap ng kanilang mga computer. Nakakatulong ang infinity cushion para maiwasan ang bad posture.

Mahirap mawalan ng ina…

May kasabihan na no matter how old you are, kapag namatay ang mother mo, half of you dies with her. Nasa edad na sina Carlitos at Monique Siguion-Reyna pero sure ako na masakit pa rin para sa kanila ang pagkamatay ng nanay nila na si Armida Siguion-Reyna aka Tita Midz.

Comedian si Joey de Leon pero tiyak na umiyak siya nang mamatay ang kanyang 93-year old mother na si Mommy Emma.

Never na maging madali para sa isang anak ang mawalan ng ina dahil ang mga mother ang sandalan natin kahit gaano pa tayo katanda.

Ang ating mga ina, parang kakambal natin na dikit sa atin kahit ano pa ang mga estado natin sa buhay. It is the most painful loss, the wound that will never heal dahil your mother is the most precious jewel you owned. Condolence and our sympathy for the family of Tita Midz and Joey de Leon. We will forever pray for their souls. Stay strong.

Pag may tiyaga, may nilaga!

Shocked ako nang malaman ko na si Rhea Tan, nakatira pala sa Angeles, Pampanga at dito pa siya nanggagaling sa tuwing may mga presscon at meeting siya sa Quezon City.

Everyday ang biyahe ni Rhea at ng kanyang asawa na si Sam mula Pampanga hanggang Que­zon City.

Sina Sam at Rhea Tan ang example na hindi malayo ang lugar mo kung may gagawin ka na importante.

Para bang nandiyan lang sila sa vicini­ty ng QC kapag may mga meeting o presscon. Hindi mo iisipin na nagbiyahe pa sila mula sa Pampanga. Bongga!

Naisip ko na puwede pala ‘yon na ang akala mo, ang layo na ng Pampanga pero halos araw-araw, nagpupunta sa Quezon City sina Rhea at Sam.

No wonder, successful ang Beautederm business nila dahil hands on sila sa pag asikaso.

Hindi ko akalain na bukod sa nationwide na ang Beautederm business nina Sam at Rhea, may branch na rin sila sa Hongkong at Singapore. Coming soon na rin ang mga branch sa Middle East.

Beautederm is successful because of Sam and Rhea Tan. Kung matiyaga nilang binibiyahe ang Pampanga to Quezon City almost everyday, ito na ang resulta ng patience at pagsisikap nila. Success.

Show comments