^

PSN Showbiz

Liza at Enrique nagpaka-mature, inaabangan kung kikita ang pelikula!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Liza at Enrique nagpaka-mature,  inaabangan kung kikita ang pelikula!
LIza at Enrile

Not the usual romantic-comedy ang pelikulang Alone / Together nina Liza Soberano and Enrique Gil na Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB).

Hindi pa-cute ang pakilig movie na forte ng magka-loveteam. 

Level up ang mga character nila na two years na pala ang relasyon in real life.

Ex-college sweethearts sila sa pelikula na nagkabaliktad ang naging kapalaran pero nagkita uli sa kakaibang bahagi na ng kanilang buhay.

Written and directed by Antoinette Jadaone ang pelikula ng Star Cinema.

Sana lang talaga kumita dahil showing na pala ito bukas, Wednesday.

Hindi pa masyadong aware ang marami na palabas na ito so sana nga talaga ay dagsain ng fans dahil sayang.

Sobrang ganda rin ni Liza sa pelikulang ito. Pero mas maganda siya pag walang make up. Iba ang atake niya sa role na may pagka-mature nga.

Si Enrique din naman, bagay ang ginampanang character.

At hindi lang millenial ang target ng movie. Makaka-relate lahat.

Saka talaga iba ‘yung may market ang mga bida at magic sa screen like LizQuen.

Kaya umaasa ang lahat na pipilahan ito. 

May takot kasi dahil nga since January semplang ang mga pelikulang Tagalog na pinalalabas.

Wala pang maituturing na box office hit for this year. Ilang pelikulang Tagalog na rin ang naipalabas at so far talagang malungkot na malungkot ang mga naging kapalaran nito sa takilya. 

Iba na rin kasi ngayon, oras na hindi tauhin, agad-agad tinatanggal sa mga sinehan. May ilan namang pinagbibigyan ng sinehan pero ilang araw lang dahil malaki rin nga naman ang expenses nila.

Like kahapon, napadaan ako sa isang sinehan at sa screening ng isang Tagalog film, siyam lang ang manonood.

Ang hindi ko lang gets, ang ipinalit din namang foreign film ng sinehan, wala rin namang tao dahil nga matagal-tagal na ‘yung na-showing. So bakit kailangang tanggalin ang Tagalog film kung ang ipapalit din namang foreign film na hindi pinipilahan?

Anyway, saka dapat din talagang i-consider ng mga producer na hindi lang mga millenial ang target market nila.

Mas nagbabayad ng sine ang mga ‘feeling millenial’ and ‘senior millenial.’

Sila ang mas may oras at datung na panggastos sa mall.

At siyempre dapat din nilang isipin ang mga senior citizen na libre sa mga sinehan. Hindi magandang idea na nilalayasan ng mga senior ang pelikulang pinapanood nila.

Imagine libre na nga, lalayasan pa dahil hindi nila ma-gets ang kababawan ng kuwento ng pinapanood nila.

#TangkilikinAngPelikulangTagalog

LIZA SOBERANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with