Armida Siguion-Reyna namatay sa edad na 88!
Namayapa na ang actress, film producer and singer Armida Siguion-Reyna kahapon ng hapon.
Binawian ito ng buhay sa Makati Medical Center sa edad na 88.
Habang sinusulat ang balitang ito ay wala pang ibang detalye na mula sa kanyang pamilya.
Cancer ang sinasabing ikinamatay nito.
Pero alam sa buong showbiz na matagal-tagal na ring dumaranas ng Alzheimer’s disease ang kilalang tita Midz sa showbiz.
Sinabi na noon sa interview ng mga kapamilya ni tita Midz na nag-deteriorate ang kanyang kalusugan nang namayapa ang asawa niyang si Atty. Leonardo noong 2010.
- Latest