Bitoy at Ogie may forever!

Bitoy at Ogie

Ang unang commercial together para sa isang kilalang food chain ng magkaibigang Ogie Alcasid at Michael V. (Beethoven del Valle Bunagan in real life) ay isang testamento ng long friendship ng dalawa na nagsimula sa bakuran ng OctoArts in 1991 kung saan nag-umpisa ang dalawa bilang recording artists and eventually as movie actor-comedians. 

Ang pagpasok noon ni Michael V. sa bakuran ng OctoArts ay kasagsagan ng kasikatan ng Viva rapper na si Andrew E. dahil sa kanyang rap hit song na Humanap Ka ng Panget. Octoarts came up with Maganda ang Piliin para kay Michael V. bilang kasagutan kay Andrew E. at ito’y nag-click.

Ang ordinaryong si Bitoy noon ay biglang nakilala as Michael V. and the rest ay history nang maituturing.

Speaking of Michael V., nagkaroon ito ng renewal of marriage vows sa kanyang misis of 25 years na si Carol Bunagan na ginanap sa Amanpulo, Palawan nung nakaraang February 7, 2019.

Ang mag-asawang Bitoy (palayaw ni Michael V.) at Carol ay unang ikinasal in civil wedding rites nung 1994 na sinundan ng kanilang church wedding in 1998. Ten years later after their church wedding ay muli silang nag-renew ng marriage vows  in 2008.

Ang mag-asawa ay may apat na anak na sina Milo, Yanni, Migo at Maypaul.

Dating flight stewardess si Carol. Huminto ito sa kanyang trabaho to take care of their children and eventually ay siyang tumayong manager ng kanyang mister matapos itong kumalas sa pamamahala ng kanyang discoverer-mentor na si Boss Orly Ilacad ng OctoArts na siyang nagbigay ng break sa kanya.

Huling El Bimbo, may rerun

Ang kauna-unahang one-stop, non-stop entertainment and leisure destination ng Pilipinas na Resorts World Manila (RWM) ay malugod na ipinaalam sa lahat na muli nilang ibabalik ang hit musical play na Ang Huling El Bimbo nung isang taon na mu­ling gaganapin sa Newport Performing Arts Theater (NPAT) simula sa darating na March 1, 2019 at magtatapos sa April 6, 2019.

Ang limited playdates rerun ng Ang Huling El Bimbo will still keep most of the original cast tulad nina Gian Magdangal, OJ Mariano, Jon Santos, Reb Atadero, Boo Gabunada, Bibo Reyes, Tanya Manalang at ang tinaguriang `First Lady of Philippine Theater’ na si Menchu Launchengco-Yulo.

Ang tickets sa musical play ay available sa Ticket World at sa RVM Box Office na matatagpuan sa ground floor ng Newport Mall ng Resorts World Manila.

Child haus ni mader Ricky, 11 taon na

Ibinalita ng beauty czar, successful businessman at philanthropist na si Mader Ricky Reyes na labing-isang taon na ngayong Abril ang kanyang ‘baby’, ang charity project na CHILD Haus, ang Center for Health Improvement and Life Development na siyang temporary shelter ng mga batang may sakit na kanser mula sa malalayong lugar habang sila’y magpapagamot sa PGH at iba pang public hospitals ng Metro Manila.

Ayon kay Mader Ricky, ang CHILD Haus ay hindi naging posible kung hindi dahil sa mabubuting puso ng mga donors and sponsors na pinangungunahan ni G. Hans Sy, ang SM Holdings, Inc. president na siyang nag-provide ng seven-storey building ng CHILD Haus na may kumpletong facilities na matatagpuan along Agoncillo St., in Paco, Manila.

Show comments