Alden game na game sa lutuan

Alden

Tuwang-tuwa si Cookie Yatco ng Cookie’s Peanut Butter sa matagumpay na webisodes ng kanilang celebrity endorser na si Alden Richards kasama si Chef Amoncio kung saan nagluluto sila ng iba’t ibang mga healthy at easy-to-do na mga putahe gamit ang Cookie’s Peanut Butter bilang pangunahing sangkap.

“Game na game sina Alden at Chef Anton nung nag-so-shooting kami ng aming webisodes,” kuwento ni Cookie. “Ang sarap nilang katrabaho lalo na si Alden. Very professional siya at sobrang gaan niyang kasama. Walang ka-ere ere sa katawan. Kahit inabot kami ng madaling araw sa work, ang taas-taas pa rin ng energy niya at very accommodating sa mga kasamahan namin.”

Gawa sa mga natural na sangkap at wala umanong kahit na anong preservatives, ang Cookie’s Peanut Butter ay isang produkto na gawa sa lungsod ng Biñan, Laguna – na bayan ng lalaking nag-develop sa masarap nitong recipe, si Cookie Yatco.

Nag-umpisa ito bilang isang homemade na produkto na pine-prepara ni Joy Abalos-Yatco sa sarili niyang kusina bilang espesyal na regalo sa kanyang pamilya at malapit na mga kaibigan lalo na tuwing holidays. Naging instant hit ang brand sa kanyang pamilya at mga kaibigan at dahil dito, nag-desisyon si Joy at ang kanyang mister na i-distribute ang produkto commercially upang maibahagi ito sa mga mainstream consumers at para na rin makapagbigay ng long-term na trabaho sa maraming tao.

Fourteen episodes ang ginawa nina Alden at Chef Anton. Kasama sa mga niluto nila ang iba’t ibang mga sandwich, mga panghimagas, at siyempre ang isa sa mga personal na paborito nina Alden at Cookie, ang Kare-Kare.

Mapapanood ang webisodes ni Alden sa opisyal na Facebook Page at YouTube Channel ng Cookie’s Peanut Butter na available sa mga groceries at supermarkets sa buong bansa.

Show comments