Direktor ng 2 Cool..., unang Pinoy na nakapasok sa SEAFIC!

Petersen Vargas

MANILA, Philippines — Napili ang direktor na si Petersen Vargas ng pelikulang 2 Cool 2 Be 4Gotten na nanalo ng Best Picture sa 2016 Cinema One Originals na maging kalahok sa third edition ng Southeast Asia Fiction Film Lab (SEA­FIC), dahilan para siya ay maging kauna-unahang Pinoy na kasali sa nasabing event.

Ang SEAFIC ay isang intensive script development lab para sa Southeast Asian filmmakers na naglalayong matulungan ang mga attendee na ma-enhance ang kanilang feature-length fiction films sa loob lamang ng walong buwan. Ang mga participant ay sasailalim sa tatlong lab sessions.

Ang pelikulang Some Nights I Feel Like Walking ni Vargas ay isa sa limang selected projects ng SEAFIC na napili ng Southeast Asian filmmakers. Tungkol ito sa isang gabing puno ng adventure ng isang teenager na naglayas at sumama sa apat na street hustlers.

Nakipagtulungan si Vargas sa producers na sina Alemberg Ang at Jade Castro para mas mapaganda ang nasabing pelikula.

Nakipagtulungan na rin ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa SEAFIC para makapag-encou­rage pa at masuportahan ang maraming Filipino filmmakers na ma-develop ang kalidad ng mga pelikula na puwedeng maipalabas sa ibang bansa at sa buong mundo.

Bago mapili, nag-attend muna si Vargas ng SEAFIC Open House noong nakaraang November 2018 bilang parte ng FDCP’s delegation of filmmakers.

Show comments