^

PSN Showbiz

Kwento ng mga pulitiko, in-na-in ngayong panahon ng eleksyon

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Kwento ng mga pulitiko, in-na-in ngayong panahon ng eleksyon
Bong at Sen. Cynthia

MANILA, Philippines — Uso ngayon ang pagpapakilala ng mga kandidato sa pelikula man o telebis­yon. Si Ronald “Bato” Dela Rosa, may sariling movie base sa buhay niya. Tapos ngayon naman, sina Sen. Cynthia Villar at senato­riable Bong Go, may episodes sa Magpakailanman at MMK.

Well, tama ang sinabi ni Nay Lolit Solis sa kanyang artikulo recently lang, nakaka-excite mapanood ang mga ganitong klaseng kwento dahil siguradong may mapupulot tayong aral mula sa mga pinagdaanan nila bago maabot ang estado nila ngayon.

Sa nakikita ko rin, wala namang masamang magpalabas ng buhay ng pulitiko sa telebisyon. Hindi rin naman ito lumalabag sa kahit anong batas. Choice na lang ng mga manonood kung gusto nila panoorin o hindi. Hindi na rin naman ito bago dahil ginagawa na ito noong mga nakaraang eleksyon pa.

Isa pa, normal naman na sumabay sa panahon ang mga palabas sa telebisyon. Kapag Pasko, mga kwentong pang-Pasko ang nasa TV. Kapag Mother’s Day naman, kwento ng mga ina ang bida. Natural lang ngayon na tungkol sa mga kandidato ang ipalabas kasi nandoon ang interes ng mga tao lalo na’t malapit na ang election season.

Marami rin namang kandidato ang lumalabas sa TV ngayon at galing din sa iba’t ibang partido. Maganda nga ito dahil napapaliwanag ng mga kandidato ang mga plataporma nila, at mas makikilatis pa ng mga tao ang dapat nilang iboto ngayong halalan.

Nasa sa atin pa rin naman kung sino ang gusto natin iluklok sa posisyon.

Kaya vote wisely mga kababayan!

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with